[Click here to go to World Challenge Pulpit Series multilingual site] Sino ang Nagbabantay sa Harap ng Pintuan ng Tahanan Mo? (Who is Guarding the Front Door of Your House?) ------------------------------------------------------------------------ Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright ------------------------------------------------------------------------ By David Wilkerson February 7, 2000 __________ "Ang mga kabataang Amerikano sa ngayon ay ang nawawalang henerasyon. Walang ibang henerasyon sa kasaysayan ang lubhang nababalot ng kamunduhan, bawal na gamut, alkohol, kasakiman at pagpatay sa mga napakabatang gulang. Ang tanong ko ay, sino ang nararapat na sisihin? Lahat halos ay nakakaalam na mayroong nakakikilabot na mga pangyayari sa ating pangbansang mga paaralan. Ang krimen at kaguluhan ay naging pangkaraniwan, maraming paaralang gusali ngayon ay mayroong ginagamit upang malaman kung may dalang sandata ang pumapasok sa gusali o tinatawag na metal detectors. Ang pitong taong gulang na kabataan ay nakakakuha ng mga baril at pinapatay mga kamagaral na walang man lamang pagkalungkot. Ang ating pamamaraan mismo sa edukasyon ay naging napakasama at baluktot. Ang mga guro na nagpapakikila sa mga magaaral ng katuruan na walang Dios, na ang sangkatauhan ay nilikha mula sa gorilla, ang pamumuhay bilang mga bakla, pinanahihintulutang paguugali sa pakikipagtalik, laban sa anomang makadios na pag-uugali. Ang tagapagturo ay hindi maaring magpatong ng Biblia sa kanyang upuan - ngunit maaaring siyang magpakita ng mga babasahin sa mga bagay-bagay magmula sa kummunismo hanggang sa kalaswaan. Mula nang ang ating pamamaraan sa hukom ay nagsarado sa Dios mula sa mga paaralan, ang Diablo ay siya nang humalili. Ngunit ako ay naniniwala hindi ang ating mga masasamang pamamaraan sa paaralan ang lubhang nagpapalala sa ating mga anak. Ang ating bayan ay nakakaranas ng pagbagsak ng moralidad. Ang mga programang cultural at mga sining na ipinalalabas ay naging marumi at bastos, na ang nagpapakita ng walang paggalang sa mga banal na bagay ay naging pangkaraniwan na lamang. Kahit na ang mga iginagalang na namumuno sa pamahalaaan at mga kalakalan ay malayang gumagamit ng masasamang pananalita. Minumura si Cristo at pinipintasan ang pangalan ng Dios na hindi man lamang iniisip iyon. Ang pagbagsak ng moralidad sa Amerika ay masyadong nagmadali, kahit na ang mga walang kinikilang Dios ay inaamin na ang ating pundasyon ay siyang nais na sirain nito. Ngunit hindi ang ating masamang pamayanan ang siyang nakakasakit sa ating mga anak. Ang buong tagapamahayag sa ngayon ay para bang kontrolado ng Diablo. Ang MTV ay naging privadong linya ng diablo, na mismong si Satanas ang nangunguna bilang CEO o pinakamataas na katungkulan. Mga musika na napapanood ay naging walang iba kungdi kalaswaaan ng may kasamaan, nakakababa ng moralidad na mga titik. Maari kayong magtaka anong uring madadiablong kaisipan ang magtutulak ng ganoong kamalian sa buong kapanahunan ng mga kabataan. Ang nagbebenta ng ganitong malaimpiyernong karumiham ay nangangahulugan lamang na sinira rin nila ang kanilang buhay, at ngayon sila at handang sumari rin ng mga susunod na kapanahunan ng kabataan. Ngunit kahit na ang masasamang mga awitin ay hindi rin mabibigyan ng sisi sa malaking pagkakamali ng mga kabataan. Sa mga patalastas, ang kamunduhan ay nagbebenta ng lahat ng bagay. Wala ng makamundong gawi and itinuturing pang kasalanan. Kahit ano na lamang ay maari, kayat sa bawat pagdaan ng panahon ang Amerika ay patuloy na bumabaon sa makamundong kaligayahan. At ito ay sa panghihikayat ng mga tagapamahayag sa pakikipagkaisa ng impiyerno. Ngunit katulad rin at naging masama ang mga kompanyang nagpapahayag, hindi rin sila ang masisi sa kamalian ng mga kabataan. Maari kayong magtaka sa naidudulot ng patay, nakikipagkasunduang simbahan na nagdadala ng makamundong maruming bagay sa tahanan ng Diyos. Maraming pastor na sa ngayon ay itinatanggi ang katotohanan na may langit, impiyerno at ang berheng pagsilang. Ang kanilang mga simbahan ay naging walang lamang sisidlan, mayroong anyo ng makadios, ngunit walang kapangyarihan. At ang kanilang mga gawain ay naging malambot na ang mga kabataan ay umaalis. Ang mga kabataan ay umaalis at iniisip nilang ang Cristianismo ay walang anomang kaugnayan sa buhay nila. Maraming namumuno sa pagpapaawit ay ginustong palitan ang mga himno ng makabagong awitin na binabanggit lamang ang pangalan ni Jesus na pahapyaw. Sa halip na magalay na papuri, ang mga simbahan sa ngayon ay nagpapalabas ng mga konseyertong may mababang uri, na ang mga gumaganap at kasali sa banda ng musika ay may mga tatak sa katawan, may mga butas sa ibat-ibang bahagi ng katawan at lubhang mga nagwawala sa pagkilos, pinarurumi ang simbahan ng Dios ng mga awiting puno ng galit at paghihimagsik. Ngunit magkaganoon man katuyo ang makamundo at nakikipagkasunduang simbahan, hindi rin iyon ang pangunahing lakas na nagpapasira sa ating mga anak. Maraming mga magulang - kasama na ang mga Cristiano - ang masisi sa lahat ng mga ito sa pagkawala ng ating mga kabataan. Kapag ang kanilang mga anak ay naligaw, na nahuhumaling sa bawal na gamut o alak, ang mga magulang na ito ay nagagalit sa ma paaralan, sa pamahalaan, sa tagapamahayag, o sa simbahan, o sa mga nakakasama ng mga anak nila. Ang iba ay nadedesisyong alisin ang mga anak nila sa publikong paaralan at ipinapasok sa mga Kristianong paaaralan. Ngunit madalas ang paghihimagsik ng kanilang mga bata ay lalo lamang lumalala. Kahit na ang mga hindi pa tumanggap na mga magulang ay gumagawa rin ng ganoong bagay sa kanilang anak. Ayaw nila ng ano man patungkol sa relihion- ngunit ipinadadala nila ang kanilang mga anak sa pagaaral tuwing Linggo, umaasang makapaglalagay rin ito kanila ng anomang mabuting panuntunan. Sila ay umaasa na sa loob ng isang oras bawat lingo ang mga tagapagturo ay biglaang mapapabago ang kanilang mapaghimagsik na mga anak na maging isang mga anghel. Ngunit kapag hindi ito nangyari, ang mga magulang na ito ay naninisi sa mga simbahan sa kaguluhan ng mga anak nila na dinadala sa kanilang tahanan. ------------------------------- Sino ang Dapat na Sisihin sa Pagkawala ng ating mga Kabataan? ------------------------------- Lahat ng mga lakas na aking nabanggit ay naglalaro ng bahagi sa pagkakawasak ng mga kabataan. Ngunit hindi ang paaralan, kultura, tagapamahayag, masasamang tugtugin o ang simbahang lumalamig sa pananampalataya ang dapat lamang masisi na nagdudulot ng pagkasira. Ang totoo ay, ang tungkulin para sa henerasyong ito ay nakasalalay na malaki sa mga magulang. Ang tahanan ang lugar na kung saan ang binhi ng paghihimagsik at kasamaan ay naitatanim. Dapat kong tanungin ang mga magulang: Alam ba ninyo kung nasaan ang inyong mga anak habang kayo ay humahanap at humihingi ng pagpapala ng Dios? Sa paglapit ninyo sa Dios, nalalayo ba naman kayo sa mga anak ninyo? Maari kayong magpapatoto na binago kayo ng Dios ay binuhay na muli - ngunit kung ang inyong tahanan ay magulo parin, na ang inyong mga anak ay nagpapakita ng paglaban, maaring nawala ninyo ang pinakamabuti sa Dios. Ang sariwang paghipo ba ng Dios ay nagbigay sa inyo ng panibagong kabigatan sa inyong mga anak? Kung hindi, paano kayo nakakaupo sa tahanan ng Dios na makasariling nagsasaya sa harapan ng Dios at uuwing walang pakialam sa kadiliman sa tahanan mo? Naway maunawaan ninyo ako - Hindi ko winawalang halaga ang mga pagtitipon na may pagpapanibagong buhay at makalangit na pagpapakita ng kanyang kapangyarihan. Naranasan ko ang totoong espiritual na pagkagising at Banal ng Espiritung paghipo sa sarili ko. Bilang ministro ng salita ng Dios, alam kong ang Espiritu ay nagpapakita sa ating laman para maputol ang ating kayabangan, ipakita ang ating pagdududa sa espiritual na bagay at baguhin ang ating espiritu. Hindi ko rin naman sinisisi ang lahat ng paghihimagsik ng nga kabataan sa mga magulang. Mayroong ring ibang dahilan ng kanilang pagkamakamundo. Ngayon, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng kahulogan ng totoong panunumbalik sa Dios revival: Ito ay nangyayari kapag ang mga kuta at pintuan ng nagbabantay sa tahanan ng Dios ay naayos na muli.At iyong mga kutang iyon ay may kasamang mga pintuan ng bawat tahanan ng Cristiano. Hayaan ninyong ipaliwanag ko. ------------------------------- Ang Aklat ng Nehemias ay Nagbibigay ng Maliwanag na Larawan ng Kung anong Nangyari sa Simbahan sa Panahon ng Pagkasira at Paglayo sa Pananampalataya. ------------------------------- Noong si Nehemias at ang 43,000 na iba pang Judeong makabayan ay bumalik sa Jesuralem, natagpuan nilang ang lungsod ay napinsala. Ang mga kuta ay bagsak at ang pintuan ay inalis, kayat ang mga naninirahan ay walang panangalang mula sa mga kaaway. At ang buong parada ng mga kalaban ay patuloy na nagnanakaw sa lungsod hanggang nais nila: Sanballat, Ammonites, criminals, magnanakaw. Ang mga kaaway ay nabigyan ng buong kapangyarihan dahil sa panlalamig ng Israel sa pananampalataya at hindi pagsunod sa salita ng Dios. Sumulat si Nehemias, .sila namay may kapangyariham din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan (Nehemias 9:37). Ang Jesuralem dito ay ang uri ng simbahan ni JesuCristo sa ngayon. Katulad ng mga Israelitas, maraming mga Cristiano ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. At ang mga kasalanan sa tahanan ng Dios ay nagdadala ng pagkagapos at kalungkutan, nagkakalat ng lason sa buong katawan ni Cristo. Paano ito nangyari? Ang kuta ng katotohanan ay bumagsak -yoong panangalang at harang na itinayo kapag ang mananampalataya ay tumayo sa salita ng Dios. Dahil sa ating kasalanan at pakikipagsundo, ang mga pananggalang ng pintuan ay bumabagsak, nagiiwan ng napakaraming Cristiano na bukas sa kapangyarihan ni Satanas. Ngunit si Nehemias dito ay nagpapakahulogan ng plano ng Dios ng pagaayos na muli. Alam ng taong ito na bago makita ang tunay na pagkakaroon ng tunay na pagbabalik sa Dios, mayroong dapat na ligtas, pananggalang na kuta ng katotohanan na napakaikot sa mga tao ng Dios. Kayat si Nehemias ba ay naglakad sa walang kuta na lungsod at tumatawag ng panunumbalik sa Dios na mayroong makalangit na pagpapahiwatig? Hindi. Ang tanging pagpapahiwatig na nakita pagkatapos na makarating si Nehemias ay ang mga lalake at babae na mayroong pangdukal at piko sa kanilang kamay. Sila ay gumawa ng mabigat na gawain ng pagtatayo ng mga kuta ng lungsod at inaayos muli ang lugar na pintuan. At si Nehemias ang siyang namumuno dito. Ang gawaing ito ng pagtatayo a nagsimula sa panahon ng si Nehemias ay umako ng bigat ng Panginoon sa kasiraan ng kaniyang tahanan. Noong makita ni Nehemias ang kabigatan at kahihiyan ang mga tao ng Dios ay dinaranas, siya ay lumuhod at nanangis, Ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangsunog sa apoy(Nehemias 1:3). Ano ang sumonud na ginawa ni Nehemias? Siya ay nagayuno at nanalangin gabit araw, pinagsumamo ang mga kasalanan ng Israel. Ang nangyari, ng marining ko ang mga salitang ito, na akoy maupo at umiyak, at nanangis ng ilang araw, at ako ay nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit (versikulo 4). Ito ang pasimula ng totoong panunumbalik sa Dios - noong ang makadios na si Nehemias at ang kasamaan niya ay bumahagi mula sa kabigatan ng Dios sa simbahang nabitag sa kasalanan. Ang makadios na samaham ay nagayuno ang nanalangin, nagsumamo sa Dios na simulang itayo ang mga kuta at pintuan na magiging sangalang ng mga tao sa sinomang kaaway nila. ------------------------------- Magmula ng Magawang Muli ang mga Kuta, at maitayo muli ang Pintuan ng Jesuralem, Ang mga Tagatanod ng Pintuan ay Itinalaga sa Bawat Tahanan. ------------------------------- Ang mga kuta at pintuan ay mawawalan ng halaga kung walang tagapamahala na nakakaalam kung alin ang maaari o hindi maaring payagan papasukin dito. Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal. (Nehemias 7:1). Pansisin ninyo na ang mga tagatanod-pinto ay hindi mga seserdote. Sila ay mga ordinaryong tao - manunugtug, tagabuhat, mga taong mula sa ibat-ibang uri ng pamumuhay. At sila ay pinagbilinan: Huwag buksan ang mga pintuan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang silay nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka (versikulong 3). Ang sinasabi ng Dios, Ang tahanan ko ay magiging lugar ng liwanag, na walang kadilimang maaring papasukin. Hayaang ang bawat isa at lahat na pumasok dito ay maging bukas na aklat, na napapailalim sa liwanag ng aking salita. Natutuhan ko kailan lamang ang kagimbal gimbal na kuwento ng isang ministro ng isang malaking simbahan. Ang taong ito ay kilala sa lugar niya, at siya ay nalantad sa pakikiapid at paggamit ng pananalapi ng simbahan sa maling mga bagay. Ang ibang makadios na mga pastor sa lugar ay nagkaroon ng pakikialam at nilapitan ang mga nakakatanda sa simbahan ng ministrong ito. Iminungkahi nilang bigyan ng anim na buwan na pagbabakasyon. At pagkatapos sila ay naghandog ng tulong sa kanya, pagdidisiplina, paghihikayat na manumbalik muli sa Panginoon - lahat naaayon sa salita ng Dios. Ngunit ang mga nakakatanda ay tumanggi sa iniaalok. Napagpasiyahan sa halip na panatilihin ang ministro na walang pagdidisiplina na ano man. Sinabi nila sa mga pastor, Ayaw naming mawalay sa mga sermon ng ministro. Siya ay napakahusay na tagapagsalita. At maliban pa doon, siya ay mabuting tao sa loob niya, totohanang mabuting kasama sa simbahan. Alam ninyo, mayroon tayong lahat na kanya-kanyang kahinaan. Ang isang babae sa samahang iyon ay nakiayon, at nagsabing, Wala akong pakialam kung ano ang ginawa ng aming pastor. Ang mga pagtuturo niya ang tanging pamamaraan para ang asawa kong hindi pa nakakikila ay mahikayat na magpunta sa simbahan na kasama ako. Ako ay umaayon na siya ay panatili dito. Ang mga taong ito ay mayroong maliwanag na tungkulin mula sa Dios na bilang mga tagatanod sa mga pintuan. Ngunit itinatanggi nilang saraduhan ang kanilang mga pintuan sa kadiliman. Nakakalungkot, hinayaan nila ang kanilang mga sarili na mabayaran ng makataong pagbubuklod. Ang masasabi ko sa mga nakakatatanda na nakakabas ang mensaheng ito, kasama na ang mga nakakatanda sa Time Square Church: Huwag ninyong payagan ang mga sarili nanyo na maging bulag sa salita ng Dios sa pamamagitan ng pagiging malapit sa kanino mang ministro. Kayo ay itinalaga ng Dios na mga tagatanod ng pintuan ng tahanan. At kung sino man ang magdala ng katuruan sa simbahan na hindi naayon sa salita ng Dios, ito ay inyong tungkulin na sabihin ng may pagmamahal sa tagapagturong iyon na siya ay mali. Hindi ako nanghihikayat na ang mga nakakatanda ay maging parang mga amo at mapagmanda. Minsan kong naranasan ang lagim na maabuso ng isang grupo sa panahon ng aking pinakaunang pagpapastor. Ang mahigpit na nakakatanda sa simbahang iyon ang nagtutulak sa iba pang mga pastor sa simbahang iyon para umalis sa loob ng tatlumpong taon. Ako ay labingsiyam na taong gulang lamang ng ako ay magsimulang magpastor sa simbahan, at kahit na sinong labingsiyam na taong gulang ay nagkakamali. Ngunit isang araw apat sa mga nakakatanda ang tumawag sa akin, pinaupo ako sa isang silid at pinaratangang bilang isang dictador. Sila ay nagpatuloy sa kanilang mga pagbibintang, hindi ako binigyan ng anomang pagkakataon para makapagsalita. Iyon ang pinaka masamang karanasan sa batang pamumuhay ko noon. Noong matapos na ang lahat, ang maisasagot ko lamang ay, Sabi ng salita ng Dios na huwag na gagalawin ang kanyang pinili. Kayat kung kayo ay naniniwala na ako ay pinili ng Panginoon para magpastor sa simbahang ito, kung ganoon kayo ay nagkakamali para paratangan ako ng ganito. Iiwanan ko kayo sa Dios para siya ang maghusga. Nakakalungkot, lahat noong apat na mga lalakeng iyon ay nakatanggap ng kaparusahan sa ibang pamamaraan pagkatapos ng pangyayari. Bilang mga tagatanod, tayo ang mga bantay sa pintuan ng Dios sa pagiging mababang loob - sa pamamagitan ng pagaayuno, pananalangin ang pagmamahal na maipapakita sa pamamagitan ng takot sa Dios. ------------------------------- At sinabi ni Nehemias, Mangaghalal ng Mga Bantay sa mga Taga Jerusalem, Bawat Isa sa Kanyang Pagbabantay, at Bawat Isay sa Tapat ng Kaniyang Bahay (Nehemias 7:3). ------------------------------- Sangayon kay Nehemias, ang mga tagabantay ay itinatalaga hindi lamang sa mga pintuan ng banal ng lungsod, ngunit sa bawat tahanan na rin. Sa madaling sabi, ang puno ng bawat tahanan - na iyon ay ang mga magulang - ay may tungkulin sa bawat pumapasok ng tahanan nila. Ang mensahe ng Dios dito ay maliwanag: Mga tatay at nanay, kayo ang may katungkulang bantayan ang inyong tahanan mula sa bawat makademonyong kaaway na ibig pumasok. May kahulugan itong kayo ang may katungkulan sa bawat aklat, mga tugtugin, ang bawat kaibigan ng inyong anak na dinadala sa pintuan ng bahay. Kayo rin ang may katungkulan sa bawat impluwensiya sa inyong tahanan, maging ito man at TV, mga videos or kaya ay Internet. Ako ay tapat na naniniwala na ang mga magulang sa ngayon ay nangangailangan ng mas higit pang pangunawa sa nais ng Dios kaysa sa kailanmang panahon. Si Satanas ay maraming masasamang nalilikhang mga bagay-bagay para malinlang ang mga tao ng Dios. At sa pamamagitang lamang ng araw-araw, masipag na pananalangin at paglubog natin sa salita ng Dios na magkakaroon tayo ng kapangyarihan laban sa kanya bilang mga tagatanod sa ating mga tahanan. Bago pa ako magpatuloy, Nais ko kayong hikayatin lahat ng mga nagiisang magulang: Alam ng Dios ang inyong paghihirap bilang parehong tatay at nanay ng inyong mga anak. Ngunit ang katungkulin sa inyo ay ganoon rin: Kayo ay itinalaga bilang tagabantay sa inyong tahanan. Hindi kayo magaantay ng katuwang para dumating at gawin ang gawaing ito. Nangako ang Dios ay bibigyan kayo ng awa at lakas kung kayo ay tatayo para sa salita niya sa iyong tahanan. Habang naisip ko ang dalawang batang lalake sa Colorado na pumatay ng kanilang mga kamagaral at pinatay rin ang kanilang sarili, nagtataka ako: Nasaan ang kanilang mga magulang? Ang mga batang lalake ay gumagawa ng bombang gawa sa tubo sa garahe ng tahanan nila. At ang kanilang mga silid ay puno ng mga bagay na magsasabi kung ano ang kanilang nais: mga bagay na puno ng galit, nakakatakot na mga mensahe, itim na sombrero at kausotan. Hindi kaya ang kanilang mga tatay ay nagsusuri sa kanila paminsan-minsan? Hindi kaya ang kanilang mga nanay ay pumupunta sa kanilang mga silid para linisin, at mapansin ang makadiablong mga parapernalias? Maliwanag, walang bantay sa kanilang pintuan. Sa ngayon, kapag ako ay nakakakita ng kabataang may butas ang mga dila, makadiablong simbolo ay buhok na spike, napapansin ko itong mga palatandaan. Ang mga batang ito ay umiiyak, Nanay, Tatay, ako ay nakakalimutan ninyo. Masyado kayong abala - ni hindi ninyo ako napapansin na ako ay naririto. Isang araw tayong lahat ay tatayo sa harapan ng silyang maghahatol sa atin at tutugunin natin ang Panginoon kung paano natin pinalaki ang ating mga anak. At sa panahong yaon, wala sa atin ay maaring magbigay ng katuwiran o sisihin ang ibang tao. Kayat kailangang saliksikin natin ang ating mga sarili sa ngayon, tanungin: Pinalaki ba nating ang ating mga anak sa takot at paggalang sa Dios? Naipakita ba natin sa kanila ang pamumuhay na may pag-ibig at pagpaparangal sa Dios? Natatandaan kong bilang bata pa noon na naglalaro sa labas ng tahanan naming naririnig ko ang nanay ko na nanalangin para sa akin mula sa ikatatlong palapag ng aming tahanan. Ang kanyang halimbawa ay nanatiling maliwanag sa aking alaala. Noong bandang huli, noong si Gwen ay ako ay nagpapalaki na rin ng aming mga anak, ginawa rin naming ang ganoon, nanalangin sa aming mga anak sangayon sa Mga Kawikaan: Panginoon, gawin mo ang aming mga lalakeng anak na puno sa gilid ng tubig ng buhay. At gawin mo ang aming mga babaeng anak na makinis na bato sa iyong palasyo. Ingatan mo sila sa lahat ng plano ng masasama. Bawat Cristianong magulang ay may mataas na pagasa para sa kanilang mga anak. Nakikita ko itong madalas sa ating kongregasyon, samantalang ang mga magulang ay dinadala ang kanilang mga anak para ihandog sa Panginoon. At ating mga nangangasiwa ay patuloy na nanalangin para sa pagmamahal ng Dios at pagiingat sa mga maliliit na batang ito. Pagkatapos ay pinapahiran namin sila ng langis at humihingi sa banal na espiritu na maglagay ng kutang apoy sa paligid nila. Ngunit paminsan-minsan, hindi ko maiwasang mag-isip: Ilan sa mga kabataang ito ay mapupunta sa kamay ng diablo - bawal na gamut, krimen - dahil ang kanilang nanay o tatay naging pabaya sa makadios na kapaligiran sa tahanan? Sila ba mapapahamak dahil sa kanilang mga magulang ay balot at puno ng mga problema, at hindi nagbigyan na panahon o tamang pagdidisiplina? Maaring kayo ay isang magulang na nasasaktan dahil ang inyong malaki ng anak na babae o lalake ay hindi na naglilingkod sa Dios. O, maaring kayo ay masakit ang puso dahil ang inyong mga kabataan ay nagugumon sa bawal na gamut or alak. Nakita ninyong ang inyong minsang mabait na anak ay lumaking matigas at suwail at nawawala sa landas. Ang mensaheng ito ay hindi para kayo ay husgahan. Walang sinomang maaring magbalik ng nakaraan. Ngunit mayroon akong katanungan para sa inyo. Sa iyong pagbabalik sa nakaraang panahon bilang mga magulang, tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Nagi ba kayong tunay na tagatanod sa inyong tahanan? Pinaliguan ba ninyo ang inyong anak ng panalangin? O kaya kayo ay naging masyadong abala? Pinayagan ba ninyo ang inyong mga anak na kayo ay pangunahan? Lahat ay nakaraan na. Ngunit mayroon pa rin kayong maaring magawa. Mayroon pa rin kayong mga katungkulan bilang mga tagatanod para manalangin na may kasipagan para sa kaligtasan ng inyong mga anak. Ganoon nga - maari pa kayong makapanalangin sa ngayon kung ano man ang hindi ninyo nagawa sa nakaraan. Maari pa rin ninyong hanapin ang Dios, punuan ang inyong mga anak ng panalangin, at tawagin ang banal na Espiritu para hipuin sila na dalahin sa kaunawaan sa Krus. Pinaaalalahanan ko kayo, ngunit - kapag ang inyong mga anak ay nalayo na sa Dios or hindi pa nakakikilala, huwag kayong mangaral sa kanila. Manalangin lamang kayo. Hindi ninyo maaring patuloy na pagsabihan ang sinoman sa kaharian ng langit. Maraming mga naging gumon sa bawal na gamut ang nagsabi ng ganito sa akin, Ang aking tainga ay puno pa ng pagsisigaw ng nanay ko. Naririnig ko pa siya hanggang sa kabilang kalye. Walang totohanng kapangrihan sa pagtaas ng boses, dahil lahat ng kapangyarihan ay nakasalalay sa Banal na Espiritu. Kung ganoon, magkaroon kayo ng kapangyarihan sa paggalang ninyo sa salita ng Dios. Kung may dumating iyong tahanan, maari nilang maramdaman ang kapangyarihan ng Dios sa inyong tahanan kaagad, na ni walang isa mang salita. At hanggang ang inyong mga anak ay dumating na sa sapat na gulang, kayo ang bilang mga bantay na may kapangyarihan na maglagay ng lahat ng alituntunin. ------------------------------- Ang Biblia ay Nagbibigay ng Pagasa sa Lahat ng Magulang na Nalulungkot sa Kanilang mga Nalayong mga Anak. ------------------------------- Narito ang kasunduan na may pangako na bawat magulang ay dapat na isaulo. Ito ay nababagay sa parehong mga anak na nawawala na at doon sa ngayon ay nasa sa iyong pangkandili. Gayon mayy dinggin mo ngayon, O Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pilili: Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; ikaw ay huwag matakot, O Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. Sapagkatt ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa inyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi: At silayt sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis (Isaias 44 1-4). Ang pangakong ito sa Israel ay may kahulogan rin sa ating kapanahunan sa ngayon. Ang mga pananalita ng pagkandili ay ibinigay sa lahat na pinili (versikulo 1) - na may kahulogang, lahat ng na kay Cristo. Ang Panginoon ay nagumpisa sa pagsasabi sa atin sa mga versikulong 1-2, Ako ang Panginoon na gumawa sa iyo, at alam ko ang nararanasan mong sakit. Tutulongan kita sa ngayon. Hindi ka dapat na matakot. Ang salita kay Jesurun sa versikulong ito ay may kahulogang isang matuwid. Sa madaling sabi, ginawa ng Dios ang mga pangakong ito sa mga matuwid - maluwalhati, nagbubuklod na mga pangako. Ang mga pangako ay: Ang Dios ay magbibigay ng tubig para sa mga nauuhaw: Ibubuhos ko ang tubig sa kanya na nauuhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa (versikulo 3). Dinala ka na ba ng Dios sa kanyang mapagpawi sa uhaw na salita? Dumating ba siya sa iyong panunuyo at pinabukalan ka ng kanyang Espiritu? Umininom ba kayo ng purong tubig ng salita niya? Kung ganoon, kayo ay handa para akuin ang susunod pang pangako: Aking ibubuhos ang aking Esjpiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi: At silay sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis (versikulo 2-4). Sa alam na rin niyo, ang mga punong sauce ay mabilis na lumago na pataas at sila ay kumakalat. Madalas ninyo silang makitang lumalago sa tabi ng mga batis o aling mang may mga tubig. Ang sinasabi ng Dios dito, Dahil ikaw ang aking pinili, aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong mga anak. At gagawin ko silang lumaking mataas at malakas sa Panginoon. Habang binabasa ninyong paulit-ulit ang mga versikulong ito, hinihikayat ko kayong ilagay ang pangalan ng inyong mga anak. Akuin ninyo ang pangako ng Dios sa inyo sa pananalangin, Panginoon, sinabi mo na ibubuhos mo ang iyong Espiritu sa aking anak. Ngayon, pagpalain mo ang aking ana na si Michael. Ibuhos mo ang iyong Espiritu sa aking maliliit na anak na si Susan. Gawin mo sa kanila pareho na maging uhaw sila sa buhay na tubig. At ang pagwakas, sinabi ng Dios na ang inyong mga anak ay magpapatotoo, Ako ang Panginoon (versikulo 5). Anong napakagandang pangako. Ngunit ang mga pangakong ito ay hindi sa lahat ng nagsasabing, Ako ay na kay Cristo. Iyon ay para lamang doon sa mga nagugutom at nauuhaw na mga magulang - iyong umiinom ng salita ng Dios araw-araw, nanatiling nanalangin, at humihingi ng Espiritu na ibuhos sa kanila ang kapangyarihan at pagsama ng Dios. Kung ito ay nagpapatungkol sa inyo, hingin ninyo ang pangako ng Dios. Akuin ninyong sa inyo iyon, ang panghawakan ninyo ang Panginoon sa iyong pananalangin. At paliguan mo ang iyong familya ng panalangin - at panoorin mo ang kaaway na palayo sa inyo. --- Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, Texas 75771, USA. Times Square Church Information | New Reader Information ------------------------------------------------------------------------ Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright ------------------------------------------------------------------------ COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS: This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright 2000 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright 2000 by World Challenge, Lindale, Texas, USA. This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages. ------------------------------------------------------------------------ This web site is a service of The Missing Link, Inc. Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs Web Site - http://misslink.org Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site http://www.tscpulpitseries.org ------------ Copyright 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel North Central Ohio, U.S.A. TOP OF PAGE Our webmaster welcomes your comments and suggestions. This page was last updated March 29, 2000. Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series