Click here to go to World Challenge Pulpit Series multilingual site

Napamamahalaan ng Salita ng Dios

(Governed by the Word of God Part II)


Plain Text File + Related Bible Study + Home Page + Subscribe + Copyright

By David Wilkerson
May 22, 2000

__________

 

Nais kong ipakita sa inyo anong mangyayari sa isang bansa kapag ang mga namumuno — ganoon na rin ang mga tao ng Dios sa lupang iyon — ay itinatakwil ang Biblia bilang makalangit na tinig ng Panginoon. Kung saan ang kapangyarihan ng banal na salita ay alisin, kaguluhan ang siyang susunod — at kaparusahan ay siyang darating sa mga pintuan.

Wala akong alam na bansa sa mundo ngayon na napamamahalaan ng banal na salita ng Dios. Sa maraming muslim na lugar, ipinaiilalim nila ang kanilang sarili sa kapangyarihan ng koran, at ang salita ni mohammed ay siyang batas. Nguni’t sa mga bansang akala natin ay cristiano, wala ring pagpapailalim sa banal na salita.

Katotohanan, ang Amerika ay hindi na nagpapamahala sa salita ng Dios. Ang ating mga ninuno ay itinatag ang bansang ito sa Biblia, nagbuo ng pamamaraan ng pamahalaan na dapat sumusunod sa kapangyarihan ng banal na kasulatan. Ngayon ang ating mga pinuno ay isinaisang tabi ang salita ng Dios na para bang ito ay may kabuoan ng pagpapaalipin. Hindi lamang nila ito itinakwil, kundi gumawa ng lahat ng bagay para lamang maalis ito sa bansa. Sa ngayon ito ay tininingnan ng tama na itakwil ang banal na salita ng Dios.

Sinasabi ko sa inyo, ito ay totohanang napaka mapanganib sa alin mang bansa na itakwil ang kapangyarihan ng Biblia, at baliwalain ang paalala at pagsusumamo ng mga tagamasid para kay cristo. Ang Amerika ay maaring parusahan sa ibang mga kasalanan — nguni’t sa pagtanggi sa salita ng Dios bilang ating sukatan, ay may katiyakang magdadala ng kaparusahan sa ating lupa.

Ang ibang cristiano ay nagsasabing, "ang Amerika ay isang bansa na may pusong misyonaryo. Kung parurusahan tayo, sino ang magdadala ng salita niya sa buong mundo?" Sa isang panahon, itong bagay na ito ay totoo sa bansang israel. Tinawag ng Dios ang bansang iyon para maging ilaw sa mundo. Nguni’t kahit na napakahusay na pagtawag na iyon, nagdala pa rin ng kaparusahan ang Panginoon sa kanila. At ngayon ang Amerika ay humaharap sa ganoon ring kaparusahan.

Kung sinasabi ni pablo na ang buong lumang tipan ay para sa pagtuturo sa ating ngayon (tingnan sa 1mga taga Corinto 10:11), kung ganoon ang aklat ni Jeremias ay nagbibigay sa ating ng bagay na may katuruan sa usapin ng pagtanggi sa salita ng Dios. Ang katuruang ito ay nagsimula sa ikaapat ng taon ng paghahari ng haring Jehoiakim sa bansang Juda.

Noong panahong yaon, ang Dios ay nag-utos kay propetang Jeremias na isulat ang lahat ng mga paalalang kanyang ibinigay sa loob ng dalawamput-tatlong taon. Sa loob ng panahong yaonpinaalalahanan ni Jeremias ang mahalagang araw ng pagsusulit ay darating dahil sa masamang olo ni Jehoiakim, ang kilalang, nagpapaagos ng dugo na si haring manases.

Ang templo ay ginawa ni manaseng sentro ng pagsamba sa mga Dios-Diosan. Siya ay nakisali sa mga naniniwala sa paggamit ng mga espitung ligaw, pangkukulam, panghuhula at iba pang mga espiritu. Ang makadiablong taong ito ay nagtakwil sa salita ng Dios, inapakan ang batas ng Dios at tinanggihan ang kanyang mga ipinaguutos. Ang banal na kasulatan ay nagsasabi, "hinikayat sila (Israel) ni manases na gumawa ng lalong masama kaysa ginawa ng mga bansa, na pinaglipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni israel" (II mga hair 21:9).

Dagdag pa dito, ang mga kamay ni manases ay may bahid ng dugo ng mga walang malay: "bukod dito’y nagbubong mainam si manases ng dugong walang sala, hanggang sa kaniyang napuno ang jesuralem mula sa isang dulo hanggang sa kabila; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda, sa panggawa ng masama sa paningin ng Panginoon" (v 16).

Ang kinahinatnan ay pambansang kaguluhan at pagpaparusa sa kamay ng nagagalit na Dios. Sinabi ng Panginoon: "sapagka’t ginawa ni manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito, at gumawa ng kasamaan….at ipinagkasala naman sa pamamagitan ng kaniyang mga DiosDiosan: kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng israel, narito aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda, na sinomang makabalita ay magpapanting and dalawang tainga" (v 11-12).

"at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan, na nililinis at itinataob" (v 13).

Sinasabi ng Dios, "aking parurusahan ang inyong bansa ng matindi, na iisipin ninyong ang mundo ninyo ay parang tumataob na. Kahit na ang inyong mga kaaway ay hindi maniniwala sa maririnig nila sa ginawa ko sa inyo." Kahit na si manases ay nagsisi pa, pagkatapos noon, hindi na pinawi ng Dios ang kanyang pagpaparusa. Kanya lamang aantalahin iyon sa mga ilang panahon.

Hindi natin maitatanggi na ang ating bansa ay nasa katulad na kalagayan sa ngayon. Nagpaagos tayo ng dugo ng mahigit sa 30 milyong mga bata sa pamamagitan ng aborsiyon. Paano ang banal na Dios ay pipikit sa dagat ng walang malay na dugo na natapon sa mahigit na 3,000 milyang lapad at 2,000 milyang haba? Paano niya ito babaliwalain ang kaawa-awang iyak ng mga batang pinatay na ito?

Pinarusahan ng Dios si manases na hindi nagkulang. Ang dugong nabuhos sa ating bansa ng dahil sa aborsiyon ay higit pa sa nilikha ng isang maladiablong hari sa isang buong panahon. At ngayon ang ating bansa ay humaharap rin sa ganoong pagpaparusa na hinarap ni manases — dahil siya ay tumangging gumawa ng kahit na ano para mapigil ang pagpatay ng mga bata, kahit na sa huling tatlong buwan nila.

Paano ang Amerika ay nagpapatuloy ng pagpatay sa mga hindi pa isinisilang? Ginagawa natin iyon dahil tumanggi tayong maniwala sa sinasabi ng salita ng Dios patungkol sa pagbubuhos ng dugo ng walang malay. Kung tayo ay tunay na bansang naniniwala sa salita ng Dios, ang masamang trahedya ay hindi sana mangyayari.


Ang anak ni Manases, na si Josias, ang nagmana ng trono —
at ginawa ang tama sa mga mata ng Dios
(tingnan sa i mga hari 22:2).


Ang anak ni Manases na si Josias ay nanginginig sa salita ng Panginoon. Ang sabi ng Biblia noong umakyat siya sa trono, siya ay "lumakad sa buong lakad ni david na kaniyang magulang, (ang kaniyang ninuno), at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa" (ii mga hari 22:2).

Sa pamamalakad ni Josias, natagpuan ng pinakamataas na seserdote ng Juda ang banal na kasulatan na nakalagay sa maalikabok na sulok ng templo. Ibinigay niya ang kasulatan sa escriba at ipinadala siya para basahin ito kay Josias. Sinasabi ng banal na kasulatan, "at nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot" (v 11).

Taimtim na tinanggap ni Josias ang salita ng Dios, nanginginig sa takot habang pinakikinggan niya itong binabasa. Napagisipan niyang, "narating na natin ang panahon na binabanggit ni Moses na mga kasalanan. Nasa ilalim na tayo ng pagpaparusa." At kaagad, si Josias ay napailalim sa salita ng Dios.

Nagpadala ang hari ng kumakatawan sa propetes Huldah, at nagtatanong, "anong ating gagawin? Ang galit ng Dios ay laban sa atin dahil sa ating mga kasalalan." Sumagot si Huldah, sa makatuwid: "ang kaparusahan ng Dios na ipinangako para ibuhos sa Jerusalem at Juda ay magpapatuloy pa. Nguni’t dahil nagpakababa ang iyong sarili at nanangis ka sa harap niya nang marinig mo ang sinasabi niya, hindi mo makikita ang kasamaan na ipinangako niyang dadalahin sa bansa" ( v 15-20).

Anong napakahiwagang pananalita: makikita sana ni Josias ang kaparusahan na babagsak sa Juda dahil sa masamang tatay niyang si manases. Nguni’t itong makaDios na haring ito ay kaagad na dinala ang bansa sa pagsangayon sa salita ng Dios. Sa mga susunod na tatlumpong taon, tuwing mayroon siyang malalamang panibagong katuruan sa banal na salita, siya ay nagsisi at sumunod sa sinasabi nito. At ang kaniyang pagiging masunurin ang nagdala ng hindi inaasahang pagpapala at kasaganaan sa Juda.

Halimbawa, noong mabasa ni Josias na ang pamumuhay bilang bakla ay mali, kanyang binigyan pansin ang lahat ng sodomites sa lugar na iyon. At nang kanyang malaman na nagagalit ang Dios sa mga DiosDiosan, kanyang pinabagsak ang lahat na paganong altar at mga idolo. Ganoon rin, nang malaman niyang nagagalit ang Dios sa pagaalay ng tao, nilinis din niya lahat ito. Si Josias ay sumunod sa salita ng Dios dahil natatakot siya dito.

Sa panahon ng katapusan ng ikalabinsiyam ng paghahari ni Josias, si Jeremias ay nagsimulang magpaalala ng paghahatol na darating sa Juda: "akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga, at akin silang sinusugo, na aking sinasabi, magsihiwalay kayo ngayon bawa’t isa sa kanikaniyang masamang lakad…. Nguni’t hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo ako… aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila" (Jeremias 35:15, 17).

Sinalita ng Dios ang pagpaparusa sa Juda dalawamput pitong taon bago pa. Bakit dadalahin niya ang kaparusahan sa ngayon? Alam niyang ang mga tao sa Juda ay hindi nakikibahagi ng kainitan ni Josias sa Panginoon. Ang kanila ay hindi totoong pagsisisi ng puso. Nagbibigay sila sa Panginoon ng paglilingkod sa mga labi, nguni’t ang mga puso nila ay ibinigay nila sa Dios-Diosan.

"sapagka’t ako ay nagsalita sa kanila, nguni’t hindi sila nangakinig; ako’y tumawag sa kanila, nguni’t hindi sila nagsisagot" (v 17). "hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita? Sabi ng Panginoon" v 13-14).

Ang sinasabi ng Dios, "iligin mo ang aking mga tao , Jeremias — hipuin mo ang kanilang mga puso. Maaring sa ganoon makikita nila ang kanilang makadiablong gawi at magbago sila. At maari akong magpatawad, linisin ko at panumbalikin ko sila." Ito ang kasagutan bakit ang Dios ay patuloy na nagpapadala ng tagapagmasid para paalalahan ang mga tao: ito ay dahilan sa mahal niya sila. Ang paalala niya ay pagpapahiwatig lamang ng matindi niyang awa.

Nguni’t ang mga cristiano sa ngayon ay hindi naiiba sa mga ibang taong pinaalalahan ni Jeremias. Katulad nila, umiiyak tayo, "maaari ba pastor — wala ng matitigas na mensahe. Mangaral naman kayo ng malumanay na mensahe." Marami ang ayaw na dalahin ang sarili nila sa ilalim ng pamamahala ng salita ng Dios.

Nakita natin ang pag-uugaling ito sa mga ibang simbahan. Sila ay gumagalaw na palapit sa pakikiisa sa mga simbahang lumayo sa banal na salita ng Dios, sinasabing isinasaisang tabi ang mga pagkakaiba sa paghingi ng pagmamahal at pagkakaisa. Nguni’t sila ay nagsasa-isang tabi sa salita ng Dios sa paggawa nito. Ngayon ang mabuting makapagbagong doktrina na libo-libong mga mananampalataya ang nagbayad ng kanilang buhay at nanganganib: ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, ang pagpapatunay sa pananampalataya. Sa pagbabalik sa kaligtasan sa pamamagitan sa mga gawa, ang pagiisa ng simbahang umaakap sa katuwiran sa pamamagitan ng mabubuting mga gawa lamang — at iyon ay ang doktrina ng mga anticristo.

Ang makamundong pagiisa ng simbahang ito ay sumusulong rin patungo sa pagtatalaga ng mga baklang ministro. At ito ay mula sa hukay ng mga impiyerno. Nguni’t ang mga namumuno sa simbahan ay patuloy na binabali wala ang makaDios na tinig, na nagmumungkahi sa kanilang huwag huminto sa pagsasanggalang sa mga katuruan ni Cristo.


Nagbigay si Jeremias ng katapusang salita para sa mga tao niya, para basahin sa pangbansang pagaayuno.


Nang ang makaDios na si Jeremias ay mamatay na, ang anak niyang si jehoikim ang pumalit sa trono. At sa ika-apat na taon ng kanyang paghahari, sinabi ni Jeremias," "kaya’t pumaroon ka, at basahin mo sa balumbon, ang iyong isunulat na mula sa aking bibig, ang mga salita ng Panginoon sa mga pakinig ng bayan sa bahay ng Panginoon sa kaarawan ng pagaayuno" (Jeremias 36:6).

Ang versikulong 9 ay nagsasabi sa atin ng yaon ay noong "ika siyam na buwan…(na) kanilang isinaad ang pagaayuno sa harapan ng Panginoon sa lahat ng mga tao sa Jerusalem, at sa lahat ng tao na nagmula sa lungsod ng Juda hanggang sa Jerusalem."

Ang pinuno ng Jerusalem ay nakakaalam na ang sundalong chaldean ay parating. Sila ay nakatanggap ng pahatid balita na ang makapangyarihang kaaway na ito ay nagmamartsa sa lupa, na may layuning papagsakin ang Jerusalem at sirain ang templo.

Kaya’t pagkatapos ng dalawamput-pitong taon, ang paalala ni Jeremias ay malapit ng maging totoo. Hindi nagtagal, bawa’t isa sa Juda ay nag-umpisang tumungo sa Jerusalem. At bawa’t isa ay nakakaalam sa mga bagay na sinabi ng Dios na mangyayari sa kanila, para itong may tunong lumang tugtugin: "tayo ay parurusahan sa ating pagiging maka Dios-Diosan, sa pagtatakwil sa salita ng Dios, at pagpapabuhos ng dugo ng walang malay. Ang chaldeans ang siyang mamumuno sa Jerusalem, sisirain ang templo at dadalahin tayo sa pagkakahuli sa babalonia. Ang kaparusahan ay nakatalaga na — hindi na ito maiiwasan."

Taon taon, walang kaparusahang dumating. Sa totoo nga, habang nagkakasala ang mga tao, lalo naman silang pinauunlad. Kanilang binalikan ang pananalita ni Jeremias, at sinasabing, "parati mo sa aming may taghirap na darating. Nguni’t ang amin ay puro katagumpayan naman." Nagtataka ako gaanong mangungutya ay tiniis ni Jeremias sa mga panahong yaon. Pinagdudahan na ba niya ang salita ng Dios na ibinigay sa kanya?

Nguni’t ang pananalita ni Jeremias ay nangyari rin. Bigla-biglang sa kalagitnaan ng kasaganaan, nakatanggap ang pinuno ng Jerusalem ng masamang balita: "ang mga chaldeans ay naririto na."

Ngayon, ang Dios ay parating may banal na naiiwanan. At alam kong sila ay naroroon sa Juda sa panahong ito, nanalangin sa buong bayan na magsisi mula sa kasalanan, na nakita ng buong bansa noon sa panahon ni Ezra at ni Nehemia. Ang naunang generasyon ay nanginginig kapag si Ezra ay nagbabasa ng salita ng Dios ezra 7:10). At sila ay tumugon sa pagsisi ay pagpapasakop sa ilamin ng salita ng Dios.

Kaya’t ngayon, habang ang pag-aayuno ay ipinagdaraos sa Jerusalem, ipinadala ni Jeremias ang eskribang si Baruch para magbigay ng panghuling pagpapaalala bago ang paghahatol ay dumating. Isinigaw ni baruch ang mensaheng na nasala na dalawamput-pitong taong paalaala: "nang magkagayo’y binasa ni baruch sa balumbon ang mga salita ni Jeremias sa bahay ng Panginoon…sa mga pakinig ng buong bayan.

Tatlong uri ng tao ang nakinig sa salita nang Dios na ibinigay sa araw na iyon. Isinasalarawan sa Jeremias 36 ang tatlong uri bilang ang mga hindi natitinag na mandidinig, ang mga nag-aalalang mandidinig at ang mala-kutsilyong mandidinig. Ang bawa’t isa sa mga mandidinig na ito ay nasa mga simbahan sa ngayon — at sila ay kumikilos sa ganoon ring pamamaraan katulad ng ginawa noong kapanahunan ni Jeremias:


1. Ang hindi natitinag na mandidinig


Ang pag-aayuno sa Jerusalem ay naging napakalubha. Paaano? Hindi kapani-paniwala, habang si baruch ay binubulyawan ang punong-puno ng pagmamahal na pagtawag ni Jeremias upang talikuran ang mga kasalanan, maraming mandidinig ang nanatiling hindi natitinag. Sila ay totohanang hindi natitinag ng mga salitang narinig: "nguni’t maging siya, o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias"(Jeremias 37:2).

Nakikini-kinita ba ninyo ang tanawing ito? Nagtawag ng pangbansang pag-aayuno — ang panahon ng pagdaraos ng seremonya patungkol sa Dios, paggalang at paglingap sa Dios. At ngayon ang mga tao ay binigyan na ng pangwakas na paalala. Ang kanilang kaaway ay bumubulyaw sa kanila, dumating para alipininan sila at palabasin sila patungong Babelonia. Nguni’t ang mga israelitas ay nanatiling nakatayo doon at kumikisap lamang; walang tumitimo sa puso nila. Ang salitang kanilang narinig mula sa Dios ay pumasok sa isang tainga at lumabas sa kabilang tainga.

Ako’y lubhang nagulat ng mga hindi matinag na mandidinig na nakikita ko sa simbahan sa ngayon. Ang mga taong ito "nagsisipagayuno" — dumadalo sa simbahan palagian, umaawit sa "choir", nagtataas ng mga kamay upang magpuri. Nguni’t sila ay totohanang hindi na matinag ng salita na kanilang narinig. Nagpalala ang mga pastor nila, "ang espiritu ng anti-cristo ay naririto na sa mundo ay gumagalaw, nanlilinlang sa marami. Bawa’t sumunod kay Cristo ay dapat maghanda sa pamamagitan ng paghawak sa salita ng Dios." Nguni’t ang mga salitang ito ay dumapo sa ma binging tainga.

Ang mga cristianong ito ay naging bulag sa panganib na kinalalagyan nila. Isang araw sila magkakaroon ng pakikipaglaban sa kanilang mga buhay. Ang impeyerno ay magbubuga ng kanyang malademonyong mga kasamaan, at ang kaaway ay bubuhos na parang baha. Nguni’t ang mga mananampalatayang ito ay mananatiling malalamig sa kalagayan ng pagsunod.

Ang salitang "passive"ay may kahulugang "tumatangap ng salita o gawa na walang pagsagot or pagkilos para tumugon". Ito ba ay nagsasalarawan ng ugali ninyo patungkol sa Biblia? Iisipin ninyong ang mga darating na araw ng paghuhukom ay magdadala sa inyo sa salita ng Dios. Nguni’t ang mga israelitas ay nakababatid rin ng paghuhukom ay darating, at sila ay nanatiling hindi natitinag. Gagawin rin ninyo ang katulad nito, kung hindi pa kayo lumilingap sa salita ng Dios.

Kinikilala kong ang ating henerasyon ay nagdurusa sa punong-puno ng pandamdam. Ang ating mga kaisipan ay punong-puno ng mga larawan ng mga pahatid ng mga nakakatakot na mga trahedya — eroplanong bumabagsak mula sa himpapawid, pagpatay ng marami sa mga paaralan at simbahan, mga kaguluhan na nangyayari sa ibat-ibang bahagi ng mundo. At araw-araw, para bang, ang bagong pag-aaral ng kalusugan ay nagpapaalala na ang mga pagkain natin kinakain noon pa ay ngayon ay maari ng maging sanhi ng sakit na kanser. Lahat ito ay maaring nakapagaalalang tunay.

Nguni’t ito rin ay may katotohanan na maari rin tayong maging wala ng pakirandam dahil sa ating mabuting pamumuhay. Ang ating kasaganaan at kaluwagan ay maari ring magdala sa atin na para bang tayo na ilalim ng gamut ng pangpalimot, na nagbibigay sa ating ng kapahingahan naniniwalang ang mabubuting araw ay hindi na matatapos. Dahan-dahan nating isinasara ang ating mga tainga at puso sa salita ng Dios at ang paalala ng kanyang propeta.

Kaya’t ito ay sa Juda — at kaya’t ito rin ay simbahan sa ngayon. Sa bawa’t pangayayari, ang mga tao ay bumalik sa kanilang mga tahanan, mga hanapbuhay, at iniisip, "gaano kahirap ang mga bagay-bagay sa ngayon? Ang ating pinuno ay makatatagpo ng kasagutan. Wala na ring halagang magisip tayo ng paraan patungkol dito."

Ang panlalamig na sa salita ng Dios ay nagbubukas ng pintuan sa bawa’t uri ng maling katuruan. Sa Juda, ang mga tao ay nakinig na rin sa mga maling propeta. At ganoon rin ang nangyayari sa mga simbahan sa ngayon. Ang mga tao tumatakbo doon at dito para tumanggap ng "mga salita" mula sa tinatawag na mga propeta at mga makalamang ebanghelista. Nguni’t karamihan sa sinasabi ng mga manganaral na ito ay totohanang laban sa salita ng Dios. At, nakalulungkot, maraming mananampalatayang hindi nakakaalam sa Biblia ay hindi nakakabatid ng kamalian, dahil hindi nila alam ang salita ng Dios.


2. Ang nag-aalalang mandidinig


Ang maging "perturbed" mala-lanseta ay may kahulugang "masyadong nababagabag, hindi mapalagay, nagagalit, nalilito." Ito ay naglalarawan sa mga gawi ni Michaiah, opisyal sa looban ni jejoiakim. Si Michaiah ay nakarinig sa mensahe ni Baruch patungkol sa pag-aayuno — ay siya nanginig sa takot. Ang taong ito bahagi ng samahan ng Juda ng mga matatalinong grupo. At mabilis niyang napagisipan na si baruch ay nangungusap ng mga bagay na maaring walang nakakaalam kung hindi ito ay ipinahayag ng mismong Dios.

Nagmadali si Michaiah sa looban ng hari para ibahagi ang kanyang narinig na kasama ang iba pang pinuno. Para sabihin sa ibang pananalita, sinabi niya sa kanila, "mga ginoo, mayroon akong nakababagabag na balita. Narinig ko ang propesiya ni Jeremias, ay ito ay katulad sa ating nalalaman na. Kaya’t siya ay nagsasabi ng katotohanan sa marami ng mga taong ito pagkatapos ng lahat. Ang mga Chaldeans ay masyadong makapangyarihan para sa atin — hindi tayo makalalaban sa kanila. At ngayon hindi naman nating sila maaring baliwalain. Dapat tayong makinig sa salitang ito mula sa Dios."

Ang mga opisyal ay nagpasya na anyayahan si baruch sa lihim na pagpupulong, kung saan maari siyang magbigay sa kanila ng iba pang salaysay. "kaya’t si baruch…. Tangnan mo sa iyong kamay ang balumbon ng iyong binasa sa mga pakinig ng bayan, at parito ka" (Jeremias 36:14). At ng magsimula na si baruch na magbasa ng malakas "nangyari nga, ng kanilang marinig ang lahat ng salita, sila’y nagharapharapan sa takot" (v 16). Ang mga salitang "nangatakot" ay may kahulogang "nanginginig sa lubhang takot." Ang mga lalakeng ito ay totohanang nanginig nang marinig nila ang salita ng Dios.

Ang magagalang na grupo na ito ng kalalakehan ay nangangatawan sa banal na natira pa para sa Dios. Habang ang buong karamihan ay maaring nanlalamig na at hindi na natitinag sa pagkarinig ng salita ng Dios, yoong nasa Panginoon ay nanginginig noong marinig ang katotohanan.

Ako ay naniniwala na ang Dios ay mayroong pa ring mga nanginginig na natira pang mga taong nakatago sa huling mga oras na ito. Noong mga ilang nakaraang linggo nakatanggap ako ng salita patungkol sa pagtitipon sa pananalangin na mangyayari sa mga maraming mga u.s. na senadores. Ang mga lalake at babaeng ito ay nakarinig ng propesiya ng mensahe na darating na paghuhukod, at sila ay nangatakot sa sa salita ng Dios. Ngayon sila nagpapakalat ng salita, matahimik at matalinong paraan, doon sa nais na makinig.

Salamat sa Dios sa lahat ng mga nababagabag na tagapakinid — makaDios na lalake at babae na tumanggap ng salita ng Panginoon at nanginginig.


Mala-lansetang tagapakinig



Ang mga nabagabag na lalake sa sala ng Juda at nagsabi "tunay na aming sasalitain sa hari ang lahat na salitang ito (Jeremias 36:16). Sila ay pumaroon sa haring Joacim, na nakakaupo sa bahay na tagginaw na kasama ang mga tauhan niya, na may apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya. At ang mga makaDios na tao ay sinabi sa hari, "ang nakapagaalalang salita ay dumating sa amin sa pamamagitan ni propetang Jeremias. Ang paghuhukom ay nasa pintuan na. Ito ay nakasulat sa banal na aklat. Nagsusumamo kami na basahin sa iyo ang sinasabi nito."

Sinugo na hari si Jehudi upang kunin ang balumbon ng aklat. Subalit, " ng mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na dahon, na pinutol ng hari ng lanseta, at inihagis sa apoy na nasa apuyan, hanggang sa masupok ang buong bulumbon sa apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya" (36:23).

Ang mga lalakeng nangangatal ay nagulat sa ganitong walang kahihiyang ginawa. Sinabi ng Biblia "sila ay namanhik sa hari na huwag niyang sunugin ang balumbon; nguni’t hindi niya dininig sila". (36:25). Ininagdag pa ng salita ng Dios na ang sinoman sa kanyang lingkod ay hindi nangatakod o hanapak man nila ang kanilang mga suot. Maging ang hari, o ang sinoman sa kaniyang mga lingkod na nakarinig ng lahat ng salitang ito (36:24).

Sa ating lipunan ngayon, maraming husgado, mga politiko, mga walang Dios na nasa kapangyarihan ay nais pagharian ng mag lansetang tagapakinig. Sila ay handang putulin at sunogin ang salita ng Dios. Nguni’t hindi magtatagumpay ang mga taong ito. Noong sinabi ni Baruch kay Jeremias ang ginawa ng hari, nagsabi ang propeta sa mga lingkod niya sa isulat ang salita na nasa unang bulumbun na sinunog ni Joacim na haring Juda, na may karagdagan pa na katulad ng salita" (36:32).

Bumalik ang salita ng Dios mas may kapangyarihan kaysa dati. Alam ni jeramias walang haharang sa balumbon ng Panginoon. Sinubukan ng komunistang china, nguni’t milyon-milyong Biblia na sa ngayon ang nasulat. Ang albania ay nagbukas na rin ng pintuan. Mga ilang taon ang nakakaraan, nagyayabang ang mga opisyales na inalis nila ang lahat ng Biblia. Pero ngayon ang mga simbahan ay sumisibol patuloy na dumadaloy ang mga Biblia.

Ang haring si Joacim na tumanggi sa Biblia ay nagpapakilala s amga bagong saling lahi na pinalaki ng makaDios na magulang. Saan man habang lumalaki, si Joacim ay nakapagbuo ng ideya patungkol sa Dios. May bagay sa puso niya na ayaw iwanan ang mundong ito, at tinangihan ang purong salita ng Dios. Siaya ay natagpuang tumatalikod sa Dios.

Itong uri ng mga batang mananampalataya ay makikita saan man ngayon. Itong mga kristianong ito ay lumaki, nanakita ng kapangyarihan ng Dios na magpabago sa tao at nakikinig sa makaDios na turo. Nguni’t ang espiritu y mundo ay sumakal sa kanila, at naging sugapa sila sa layaw na pamumuhay. Halimbawa, marami sa mga batang edad na tumanggi na iwanan ang mga awiting hindi makaDios. At ngayon pinagtatawanan nila ang lumang himno ng kanilang mga magulang. Kinuha nila ang mga lanseta at pinuputol ang mga maka-Dios na awitin sa buhay nila at pinapalitan ng makalamang tugtugin.

Ngayon, bilang may mga gulang na pinuno ng ministry, itong mga kristianong ito ay nagdala ng lanseta sa bahay ng Dios. Nawala na sa kanila ang lahat ng banal na takot, tinangihan ang mga pagtitipong pinangungunahan ng banal na espitiru. Magrereklamo sila na ang "lumang estelo" ay pagpupuri o pagsesermon ay hindi na napapanahon.

Ito ang nagdala sa masasamang resulta. Ang isang ministro na kaibigan ko ay tumawag sa aking kamakailan, nagugulohan sa kanyang anak na bata pang lakake. Ang batang lalake ay umiinom at nasa kung ano-anong uri ng gulo. Noong ang ama ay nakipagusap s anak, sinabi ng bata na ang "pastor ng mga kabataan" ay nagsabi na okay lamang ay pag-iinom at inaprubahan ng Biblia.

Ang ministro ng mga kabataan ay nagsabi, "tayo ay nabubuhay sa mga araw ng kalayaan, na walang kabagabagan sa puso. Maari kang uminom at maglingkod kay jesus". Hindi!. Ang pastor ay kumuha ng lanseta at pinutol ang salita ng Dios at pinagwarat-warat. At sa ganitong paraan, malapit niyang masira ang anak ng ministro.

Sabi ng salita ng Dios, "huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang. (mga kawikaan 22:28). Nguni’t ang batang si Joacim ay tinangal ang mga palatandaan na naka sentro sa Biblia, kaliwa at kanan. At inilalayo ang mga tupa sa salita ng Dios.

Siyempre, hindi ko idinidiin ang lahat ng kabataang marami ring makaDios na lalake at babae. Ngayon sa pulpito at sa ministry ng pag-papaawait na natatakot sa salita ng Dios. Gusto kong palakasin pa ang loob ng lahat na kabataang ito. Alamin ang salita ng Dios. Huwag ipagpalit ang akala ay tama o pakiramdam ay tama. Sa halip, iwanan ang lahat na kalaban ng sinasabi ng salita ng Dios. At darating kayo sa tunay na kapamahalaan ng Dios. At papupurihan ka ng Panginoon na may lahat ng kaharian at kapangyarihan ng katuruan.


---
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, TX 75771, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


Plain Text File + Related Bible Study + Home Page + Subscribe + Copyright

Times Square Church Information | New Reader Information


COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:

This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 2001 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 2001 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.
®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2001 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated August 21, 2001.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study/ Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series