Click here to go to World Challenge Pulpit Series

multilingual site

Ang Panahon Na Walang Gagawin Kundi Magtiwala
(A Time to Do Nothing But Trust)


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

By David Wilkerson
June 12, 2000
__________

Sa loob ng maraming taon ang mga Israelitas ay naghangad na pagharian ng makataong hari. At, sa katapusan, pinayagan rin iyon ng Dios. Sinabihan niya si propetang Samuel na pahiran ng langis sa Saul parang maging prinsipe ng Israel. Kaya’t kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhus sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, "hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana?"(I Samuel 10:1).

Walang tao na maaring bigyan ng mas malaking pagpupuri. Ang sinasabi ni Samuel, "Nasa iyo ang Panginoon, Saul. Napili kang gagamitin, pinili ng Dios." "At nangyaring gayon, na nang kanyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya (Saul) ng Dios ng ibang puso….at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kanya, at siya’y nanghula sa gitna nila"(verses 9:10).

Ngayon, hindi mayabang si Saul. Hindi niya ipinagmalaki ang kanyang nakamit na katungkulan. Sa halip sabi ng Biblia na nakita niya ang sarili na maliit (tingnan 15:17). Nakita natin ang halimbawa ng pagiging hindi masalita ni Saul nong umuwi siya mula sa pakikipagkita kay Samuel. Ang kanyang amain ay nagusisa ay nais malaman ang nangyari. Alam ng kanyang amain na si Samuel ay kilala sa pagsasalita ng may makapangyarihang layunin sa isip. Kaya’t nagmakaawa sa kanyang pamangkin, "Puwede ba, sabihin mo sa akin, Saul — ano ang sinabi ni Samuel sa iyo?’

Pero, sabi ng Biblia, "Nguni’t tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya" (10:16). Si Saul ay nakaupo sa napakalaking balita - nguni’t ni hindi siya nagsalita tungkol dito. Tatanungin kita — gaano karaming tao na alam mo na maitatago ang ganoong bagay sa sarili nila?

Pagkatapos ng lahat, tinipon ni Samuel ang bansa sa Mizpah. Ang propeta ay may dalawang layunin sa isipan: Una, nais niyang pagsabihan at ituwid ang mga tao sa pagnanais ng makataong prinsipe. Pagkatapos nais niyang ipakilala si Saul na bilang pinili ng Dios para maghari. Nnguni’t, noong panahon na para ipakilala si Saul, hindi siya matagpuan. Nagpadala si Samuel ng mga tao para hanapin siya — at natagpuan rin nila sa Saul na nagtatago sa mga bagahe.

Noong dinala si Saul sa harapan ng mga tao, siya ay ang nais talaga nila bilang maging prinsipe nila. Siya ay mataas at magandang lalake, "ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, mula sa" kaniyan mga balikat at paitaas. "10:23). Sinabi ni Samuel sa kaniya, "walang gaya niya sa buong bayan" (verse 24). At ang buong bayan ay sumigaw,at nagsabi, Mabuhay ang hari" (sa parehong verse).

Sa kanyang unang dalawang taon bilang hari, pinatunayan ni Saul sa kanyang sarili bilang malakas at makadios na hari. Noong marinig niya na ang Ammonitta ay lumaban sa Jabes-galaad, "At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul" (11:6). Si mabilis na nagtipon ng mga lalake na maaring lumaban umabot sa tatlong daang libo, ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo — ang mga hindi gaanong handang sundalong ito ay tumalo sa Ammonitas. Pagkatapos, si Saul ay nagbigay ng papuri sa Dios (tingnan verse 15). At hindi nagtagal ang makadios na hari ay nanguna sa Israel para bihagin ang bawat bansa na lumaban sa kanila — Moab, Ammon, Edom, Amalek, at kahit na ang makapangyarihang Felisteo (tingnan 14:47-48).

Sino ba ang hindi magnanais sa taong ito na hindi sila pagharian? Si Saul ay may mababang loob, may katapangan ay kaakit-akit na pagkatao, sinamahan ng Dios, gumagalaw na makapangyarihan sa Espiritu Santo, maliksi sa pagsunod sa dereksyon ng banal na propeta. Si Saul ay modelo nag makadios na pinunu.

Nguni’t, kagulat-gulat, ang taong ito may pahid ng langis ay mamatay dahil sa paghihimagsik.. Hindi nagtagal pagkatapos ng kanyang mahiwagang mga pagkapanalo, nawala ni Saul ang kanyang pahid ng langis at inalis sa kanya ang paghahari. Iniwan siya ng Dios, hindi na makarinig sa tinig ng Banal na Espiritu, at kamaka-maka ay pinasukan ng masamang espiritu. Pumatay siya ng mga walang kasalanang tao. Pinagutus niyang patayin ang mga seserdoteng itinalaga ng Dios. At sa sandali na ng kanyang kamatayan, humingi pa siya ng dereksyon sa isang mangagaway. Ang haring minsan ay namuno sa Israel upang manalo laban sa kaaway ay tinapos ang kanyang mga araw na parang isang sirang tao.

Anong napakalungkot na katapusan sa minsang may pahid ng langis ng Dios. Ano ang nangyari kay Saul? Ano ang nagdala sa isang may mababang loob na tao sa pababang paliko-likong pagkasira? Mayroon bang mismong panahon sa buhay ni Saul, kung saan nagumpisa siyang masira?


Ang Pagikot sa Buhay ni Saul ay Nangyari sa 1 Samuel 13.


Hinarap ni Saul ang sandali ng pa-ikot na ang bawat mananampalataya ay dapat harapin, Ito ay napakahalagang panahon ng krisis, kapag tayo ay napipilitang magpasya kung tayo ba ay maghihintay sa Dios na may pananampalataya, o kaya ay mawawala na ng pasensiya at hahakbang na udyok ng sarili lamang natin.

Ang sandali ng pag-ikot kay Saul ay dumating ng ang Israel ay haharap na naman sa isang labanan. Ang mga Filisteo ay nagtipon ng napakalaking mga sundalo,"tatlong pung libong karo, at anim na libong mangangabayo na may makabagong sandata. Ang karamihan ng bilang nila ay sa Israel "gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan" (1Samuel 13:5). Sa kabaligtaran, ang Israelitas ay mayroon lamang dalawang tabak sa buong bilang ng sundalo — isa para kay Saul at isa para sa kanyang anak, Jonathan. Lahat ay gagamit lamang ng gawa-gawang sandataa, katulad ng palaso na gawa sa kahoy.

Ngayon, nang makita ng Israelitas ang makapangyarihang Filisteo na papalapit, sila ay natakot. "ang bayan nga ay nagkubli sa mga yungib, at sa mga tinikan, at sa mga bato, at sa mga katibayan, at sa mga hukay" (13:6). Ang iba sa mga tao ay tumawid sa hangahan patungo sa ibang bansa, para hindi mabilang sa sundalo ni Saul. Ang iba ay hayagang tumalikod na may pagkaduwag. At ang sundalong may bilang 330,000 na tumalo sa Ammon ay naging 600 na lamang. At kahit na yoong nagpaiwan ay nanatiling nanginginig sa takot (tingnan 13:7). Ang kalagan ng Isreal ay parang wala ng pagasa.

Isang linggo pa bago mangyari ang lahat, pinagsabihan ni Samuell si Saul na maghintay sa kanya sa Gilgal bago pumaroon sa labanan. Sinabi ng propeta ya siya ay darating pagkatapos ng pitong araw para maghandog ng handog sa Panginoon. Hindi tayo napagsabihan ng kahalagahan ng pitong-araw na panahong ito; maaring alam ni Samuel na siya ay mangangaling sa malayo ay ang kanyang presensiya ay kailangan. Nguni’t para bang ang isang linggong paghihintay an ito ay pag-subok kay Saul para kanyang pananampalataya.

Noon dumating ang pitong araw ang dumating si Samuel, nagumpisa ng kumalat ang sundalo ni Saul. Masama pa, walang dereksiyon ang hari mula sa Dio para sa labalang ito. Ngayon, ilagay ninyo ang sarili ninyo kay Saul sa isang sandali. Nakikita ninyo ang makapangyarihang sundalo ng Filisteo ay papalapit na sa iyo. Naririnig na ninyo ang pagdagsa ng mga karo. At habang tinitingnan mo ang naiiwanan pang mga sundalo, nakikita mo silang nanginginig sa takot sa kawawang mga sandata nila. Lahat ay paikot-ikot na wala na kontrol. Ano ang gagawin mo?

Magtataka kayo, "Inaasahan bang si Saul ay maupo na lamang mag-antay, at walang gagawin? OO- iyon talaga ang dapat niyang gawin, magantay at manalangin. At ito talaga ang sinasabi ni Samuel noong pinakilala niya si Saul bilang hari. Sinabi ng propeta sa Israel. "Kung si (Saul) ay matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa knaiya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi maghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at magiging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti. Nguni’t kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginooon, kundi manghihimgsik laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang kamany ng Panginoon.." (12:14-15).

Ipinaliwanag ni Samuel, "Nais ng Panginoon na tumanggap ng kaluwalhatian sa anomang kangyan ginawa sa pamamagitan ng ating hari. Nais niyang malaman ng mundo na ang tagumpay ay nagmumula hindi sa mga strateheya o mga plano, sandata o bilang ng sundalo — nguni’t sa pagsasakripisyo sa Dios sa pamamagitan ng paniniwala sa panalangin at tiwala sa kanya."

Kaya’t, anong paraan and ginawa ni Saul? Naging matatag ba siya, nagsasabinbg, "Wala akong pakialam kung walong araw pa bago dumating si Samuel. Magiging matatag ako na tatayuan ang salita ng Dios sa akin. Mabuhay o mamatay, susundin ko ang utos niya"? Hindi- si Saul ay nagpanik. Hinayaan niya ang sarili na malunod sa kanyang kalagayan. At natagpuan niyang gumagawa siya sangayon sa kakayanan niya. Inutusan niya ang seserdote na naroroon, Abijah, na gumawa ng sakripisyo na wala si Samuel.

Noong panahon na dumating na si Samuel, siya ay nanghilakbot. Nakaamoy siya ng sunog na laman nagmumula sa hapag na pinahahainan ng sakripisyo. Kaya’t tinanong niya si Saul, "Ano ang iyong ginawa?" (13:11). Ang pagtatanong na propeta ay nagsasaad na walang alam si Saul sa bigat ng kanyang kasalanan. Ang tinatanong ni Samuel, "Nalalaman mo ba kung ano ang iyong ginawa? Binigyan kita ng maliwanag, simpling utos. Wala kang dapat gawin hanggang dumating ako. Wala ka sa panganib, pero gumawa sangayon sa iyong kagustuhan. Kumilos ka dahil sa takot mo, hindi sa pananampalataya. Nakagawa ka ng matinding kasalananlaban sa Panginoon."

Narito ang paliwanag ni Saul: "Sapagka’t aking nakita na ang bayanay nangangalat sa akin, at hindi ka dumarating sa mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas" (13:11)." Pansinin ninyo ang ang pagaakusa sa salita ni Saul: "Hindi ka dumating sa takdang panahon." Siya ay nagsasalita sa propeta, nguni’t ang kanyang pagaakusa ay nakatuon sa Dios. Ang sinasabi ni Saul, "Dapat akong gumawa ng kahit na ano - lahat ay iniiwanan na ako. Natitiyak kong hindi inaasahan ng Panginoon na na maghintay pa ako."

Hindi — Kailanman ay hindi nahuhuli ang Dios. Sa buong pangyayari, alam ng Panginooon ang bawa’t hakbang na tatahakin ni Samuel patungo sa Gilgal. Inilagay niya ng propeta na makalangit na paglalakbay, itinuturo ang pagdating niya sa mismong segundo. Darating si Samuel sa ikapitong araw, kahit na ito pa isang minuto lamang bago maghatingabi. Alam nating hindi niloko ng Dios si Saul sa mga bagay na ito, kaya’t alam nating si Samuel ay dumating sangayon sa takdang panahon.

Sa unang tingin, ang kasagutan ng Dios sa hindi pagsunod ni Saul parang matindi. Sabi ni Samuel: "At sinabi ni Samuel kay Saul, Gumawa kang may kamangmangan: hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo: sapagka’t itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man. Nguni’t ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian: ang Panginoo’y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso, at inihalan ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan, sapagka’t hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo" (verses 13-14).

Magtataka kayo, "Bakit hindi man lamang pagbigyan ng Dios si Saul saganitong kalagayan? Ang taong ito ay nasa imposibleng kalagayan. Maliban pa dito, ang nais lamang niya ay makamit ang tagumpay para sa Panginoon. Bakit ang pagsunod ni Saul ay napakahalaga dito? Nais ng Dios sa lahat ng kapangyarihan ng impeyerno na malaman na ang paglaban ay nasa Panginoon — at ito ay mapapanalunan sa itinakdang tao na may pananampalataya na nagtitiwala at naghihintay sa kanya.


Ano ang Itinuturo Nito sa Atin Sa Ngayon?


Ang Dios ay hindi nagbabago sa pagdaan ng mga panahon. At siya ay nagaalala kung ang mga tao ay sumusunod sa mga utos niya: "didingin ang tinig ng Panginoon, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon," (13:15). Bale wala kung ang ating buhay ay nawawala na sa kontrol — tayo ay dapat paring lumakad ng may pagtitiwala sa Panginoon. Kahit na ang mga bagay-bagay ay mukha ng walang pagasa, hindi tayo dapat kumilos na dahil lamang sa takot. Sa halip, dapat tayong maghintay na may pagtitiyaga na iligligtas tayo, sangayon sa mga pangako niya.

Ang katotohanan, tumayo ang Dios sa mismong katabi ni Saul habang ang napakaraming sundalong Filisteo ay lumusob. Nakita ng Panginoon ang mga karong dumadagsa, at nakita rin ang matatalim na sandata na kumukinang. Alam niya ang krisis na kinalalagayan ni Saul, na ang mga sundalong nagkalat na. At ang mata niya ay nasa bawa’t pangyayari nito.

Ganoon, nakikita rin ng Dios ang bawa’t pangyayi sa krisis mo. Nakikita niya ang lahat ng problema sa buhay na patuloy na gumigipit sa iyo. At alam na alam niya ang kalagayan mo ay lumalala araw-araw.

Ganoon, nakikita rin ng Dios ang bawa’t pangyayi sa krisis mo. Nakikita niya ang lahat ng problema sa buhay na patuloy na gumigipit sa iyo. At alam na alam niya ang kalagayan mo ay lumalala araw-araw. Yoong nanalangin at naghihintay sa kanya na may mapayapang pananampalataya at wala sa talagang panganib. Dagdag pa dito, alam niya lahat ng mga isip na dahil lamang sa takot o pagpapanik: "Hindi ko alam kung mababayaran ko pa ang mga utang ko…Wala na akong pagasa sa aming pagsasama bilang magasawa… Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang hanapbuhay ko…" Nguni’t ang utos niya sa iyo ay parating totoo: "Huwag kang magpanik o kaya ay manguna sa akin. Wala kang dapat na gawin kundi manalangin — at umasa sa akin. Pinararangalan ko ang sinomang naglalagay ng tiwala sa akin."

Isaalang-alang ang mga salita ng Dios na ibinigay sa simbahan niya: "At kung walang pananampalataya ay hindi maaring maging kalugodlugod sa kaniya"(Mga Hebreo 11:6). "Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan, buksan ninyoang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungansa atin"(Mga Awit 62:8). "Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas" (Mga Kawikaan 3:5-6).


Ang Panginoon ay napaka matiyaga sa atin. Inaanyayahan niya tayo, "…ilabas ang inyong mga matibay na pagmamatuwid" (Isaias 41:21).


Alam niya ang mga karanasan ng ating mga ninunu na may pagdududa, mula kay Abraham pababa sa mga santo ng Bagong Tipan. May mga panahon nais na nilang mamatay, umiiyak, "Hindi ko na kaya." Kahit na si Jesus ay mga sandali rin ng pagtatanong, "Bakit mo ako pinabayaan?"

Nararamdaman ng Panginoon ang bawat pagpintig ng kirot, takot at panik na dumarating sa atin. Maari tayong makatanggap ng biglaang balita, masamang balita — mahal sa buhay ay namatay, ang anak na lalake o babae ay makipaghihiwalay, o kaya ang ating asawa ay may kinakasamang iba. Sa ganitong mga sandali, pinapadala ng Dios ang Banal na Espiritu para sa ating kagaaanan, bawasan ang sakit at ipinatag ang ating mga puso.

Nguni’t nanatili sa Saul nasa kalagayan ng takot at panik sa loob ng pitong araw. At sa buong panahon, ang nais ng Banal na Espiritu ay siya ay magpasya: "OO, Saul, parang wala ng pagasa. Nguni’t noong kayo ay kakaunti rin laban sa mga Ammonitas, at iniligtas kayo ng Dios. Kaya’t ano ka ngayon? Susundin mo ba ang salita ng Dios, kahit na ano pa ang mangyari sa iyo o sa kaharian mo? Masabi mo bang tulad ni Job, "Kahit na saktan pa ako, magtitiwa pa rin ako sa kanya"?

Alam nating alam na Dios ang puso ng bawa’t tao. At nalalaman rin ng Panginoon ang pagpapasya ni Saul ang magtatalaga ng landas para sa buhay niya. Pagkatapos ng lahat, maari niyang harapin ang marami pang krisis. Nakuha rin tayo ng magandang aral sa pasiya ni Saul sa sinalita niya kay Samuel: .. "ako’y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin" ( (1Samuel 13:12). Ang ugat na salitang "nagpumilit" dito ay may kahulugang "para pigilin ang sarili." Ang sinasabi ni Saul, "Pinilit kong sumunod, pinigil ko ang sarili ko hangga’t at maari na huwag sumuway. Nguni’t sa katapusan ay kumilos rin ako sangayon sa aking sarili lamang."

Bilang kasagutan, iniwan ng Dios si Saul at inalis ang pagtatakda sa kanya bilang hari. Bakit? Alam ng Panginoon na mula sa mga araw na iyon, bibigyan na lamang siya na Saul ng patay na pananampalataya. Alam niyang hindi na kakayanin ni Saul ang isa pang pagsubok sa pagsunod. Sa halip, siya ay matatapos na gumagawa sangayon sa kanyang mga kakayanan at hindi mula sa Dios.

Ang hindi paniniwala sa kapangyarihan ng Dios ay nakakamatay, ang magiging bunga nito ay mapanganib. At tayo ay haharap sa napakasamang bunga kapag sinubukan nating ilabas ang ating mga sarili mula sa mga pagsubok kaysa pagtiwalaan natin ang Dios na ilalabas tayo. Maliwanag ito sa buhay ni Saul. Mula sa mga sandaling gumawa si Saul ng pasiya na ilagay ang mga bagay sa kamay niya, ang buhay niya ay bumabang mabilis. Ang kanyang hindi paniniwala ay nagbukas ng pintuan sa bawa’t uri ng demonyo sa puso niya.

Sa totoo, ang buhay ni Saul ay nagpapakita kung paano ang pagkasira ng dahil sa hindi paniniwala:

  1. Naging Legalista si Saul na May Pinakamasamang Uri.
  2. Pagkatapos na magkasala si Saul, ang kaluluwa niya ay naging matigas at "legalistic". Itong uri ng espiritung ito na halos na maging dahilan ng pagkamatay ng anak niyang si Jonathan.

    Si Jonathan at ang kanyang mga tagadala ng sandata ay nagpasiyang lumusob sa garisona ng mga Filisteo. Ang pagpatay ay nagsanhi ng kalituhan sa kampo ng Filisteo at nagsimula silang maglaban-laban at nagpatayan sila bawa’t isa. Ang kaguluhan ay nagkaroon ng panginginig sa kampamento, "lumindol, sa gayo’y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig" 1 Samuel 14:15).

    Noong makita ni Saul na ng Filisteo ay nagsitakbo, naglungsad siya ng pangkalahatang paglusob. Inutusan niya ang kanyang sundalo na lumaban buong araw na walang hintuan. Pagkatapos ng araw, ang mga Israeitas ay lubhang napagod at halos magsibagsak na. Nguni’t si Saul ay gumawa ng mangmang na panunumpa: Kung sinoman ang huminto at kumain bago matapos ang labanan, siya ay isusumpa.

    Hindi alam ni Jonathan ang ganoong panunumpa, dahil siya ay nakipaglaban sa malayong lugar. Kaya’t nagpahinga siya ng sandaling pagpapahinga. At habang siya ay nagpapahinga, kumain siya ng pulot pukyutan para ihanda niya ang sarili sa panibagong labanan.

    Nang gabing yoon, ang mga sundalo ni Saul ay hindi na makayanan. Nagmadali at dumaluhong silang pumaroon sa mga samsam at nagumpisang magihaw ng mga hayop para kainin. Ang batas ng Jew ay nagsasabi na ang dugo ay dapat na patuluin mula sa mga hayop bago kainin ito. Kaya’t ng makita ni Saul ito, nagalit siya. Nagsabing, "Kayo ay nagkasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. Kayo’y gumawag may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito."(14:33)

    Naging legalista si Saul, itinakda ang sarili bilang malinis na pulisya ng Dios. Walang pagdududa ang mga seserdote na naroon noon ay itinaas siya, nagsasabing, "Salamat sa Dios, tumatayo si Saul para sa kalinisan." Nguni’t ang totoo, si Saul ang pinakamakasalan sa tanawing iyon. Ang taong ito ay buong hindi sumusunod, lumalakad sa hayagang walang paniniwala. Nguni’t maari niyang ipahayag na hindi na iisipin pa, "Tulungan ng Dios ang mga gutom na sundalo na sumira sa batas sa pagkain ng hayop na may dugo."

    Nang gabing yan, gumawa muli si Saul ng isa pang mangmang na pasiya: nais niyang ang mga sundalo ay manatiling gising sa buong gabi at magpatuloy sa paglaban. Tumanggi ang mga seserdote, nguni’t, nagpipilit na lumapit muna sila sa Panginoon. At nang sila ay manalangin, ang Dios ay hindi sumagot. Ngayon, si Saul ay galit na naman. Nagpasiya siya, "Hindi nangungusap ang Dios dahil mayroong nagkasala. Sino ang nagkasala?" Sinabi niya"Sapagka’t buhay nga ang Panginoon….na kahit na si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay."(14:39).

    Ang uri ng ganitong makasariling pagmamatuwid ay matatagpuan sa lahat ng lagalista. Hindi sila nagtitiwala sa Dios na bigyan sila ng katuwiran, kaya’t sila ay gumagawa ng kanila. At natatapos silang gumagawa ng pamamaraan na binabale wala ang kanila mismong kasalanan at pinagtutuuan ang mga kamalian ng iba.

    Nagpasiyang magpalabunutan para malaman kung sino ang nagkasala. Ang pinahuli ay para na sa kanya at sa anak niyang si Jonathan. Kaagad, si Saul ay pumihit sa anak niya at nagsabi, "alam kong hindi ako nagkasala. Maaring ikaw." Inamin ni Jonathan na kumain siya ng pulot nguni’t sinabi niyang hindi niya alam ang tungkol sa sumpa. Nguni’t si Saul ay nagpasiya na na gawin at parusahan ang nagkasala, na nais na tingnan siya na bilang banal. Kung hindi nanghimasok ang Dios sa pamamagitan ng mga tao, napatay ni Saul ang anak niya — para lamang mapatunayan ang pagiging banal na tatak niya.

    Sa aking palagay, ang hindi paniniwala ay pinakaugat ng pagiging legalista. Paano? Itinatanggi nito ang mga pangako ng Dios — na ang Espirtu ay magaalis sa ating kasalanan, magbibigay ng kapangyarihan para sumunod, ilagay ang takot, nagbubunga sa atin na lumakad ng matuwid, magbigay ng pagkagalit sa kasalanan. Kapag umalis tayo sa pangako ng Dios, hindi na nagtitiwal sa kanya na gagawin ang dapat niyang gawin, lumalapit tayo sa pagiging legalista. Gumagawa tayo ng ating sariling mga batas, walang kapangyarihan ng Espiritu.

  3. Nawala ni Saul ang Lahat Niyang Espiritual Na Pangitain.
  4. Ang kawalan ng paniniwala ni Saul ang nagpatuyo sa kaluluwa niya, at nagbunga ng pagwawalang halaga niya sa kasalanan. Hindi nagtagal, ang kasalanan ay nawala ng "lubhang kawalan ng kasalanan" dito sa taong minsang makadios sa mata ng dios.

    Nakita natin ang halimbawa nito noong si Samuel ay nagutos kay Saul na talulin ang mga Amalekites. Nagbigay si Saul ng mga kautusan na sirain ang lahat nang bagay tungkol sa Amalek- ang kanilang pamilya, mga hayop, lahat. Walang iiwanan ng ano man at sino man.

    Nguni’t ng matapos na ang labanan, iniwan ni Saul si Haring Agag na buhay na tropeo. Itinabi rin niya ang ibang samsam — ang pinakamahuhusay na mga hayop ng Amelekites, mga damit at mga ari-arian. Nagpagawa pa rin si Saul ng monumento para sa sarili, para alalahanin ang tagumpay niya. Muli, nagpahayag siya ng hayagang pagsuway sa salita ng Dios.

    Noong dumating si Samuel, hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Ang pinaglabanan ay naging isang malaking pamilihan. Ang mga tao ay nagpapalit ng mga hayop, nagsusuod ng mga bagong damit, nagiihaw ng mga hayop. Nguni’t, ang mas nakakagulat sa lahat, nakatayo si Haring Agag sa gitna ng tanawing ito.

    Nagmadali si Samuel na pumaroon kay Saul at nagsabing, "Ano ang naririnig kong pagiyak ng mga hayop, Saul? Sumagot si Saul na may kasinungalinan: "Oh, nagiwan ng ilang mga hayop ang mga tao para gawing sakripisyo sa Dios dahil sa tagumpay. Nguni’t sinira ko na ang lahat pa. Matapat akong gagawin ang utos ng Panginoon. Anong mabuting pagbabago ng puso ang mangyayari."

    Umiyak ng malakas si Samuel. Tinanong niya si Saul, "Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa pananansam, at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon?(1 Samuel 15:19). Sumagot si Saul, "OO, sinunud ko ang tinig ng Panginoon…, at ako’y umaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag ha hari ng Amalek, aking lubos na nilipol ang mga Amalicita. (verse 20).

    Paanong naging bulag na lubha si Saul? Nagsinungaling siya sa mukha ng maliwanag na katibayan ng pagsuway niya. Nguni’t, sa masamang pangyayari, naniniwala si Saul sa kaniyang sariling pagsisinungaling. Nawala niya ang lahat niyang Pangitain.

    Ang ibang Cristiano ngayon ay katulad ni Saul. Sila ay gumagawa ng lahat ng uri ng panloloko at pagsuway, at pagkatapos ay deretsong tutungo sa simbahan para manalangin, "Panginoon, naibigay ko sa inyo ang lahat ng magagawa ko. Narito- tanggapin mo ang sakripisyo ko ng pagpupuri." Ang mananampalatayang ito ay katulad ng ipinahahayag sa Mga Kawikaan: "Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae, siya’y kumakain at nagpapahid ng kaniyang bibi at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan." (Mga Kawikaan 30:20).

    Paano ang mga Cristiano bumagsak sa ganitong kalagayan? Nagsisimula ito kapag sila ay tumanggi na tanggapan ang katuwiran ng Dios na may paniniwala. Nagsusubok silang magtayo ng sarili nilang katuwiran sa paggamit ng "legalism" at paghuhusga sa iba. Nagpapabago-bago ang kanilang pananampalataya, hindi naghihintay sa Dios para sa dereksiyon — at gumagawa sila ng bagay sa paraan nila. Mabilis, nawawala nila ang kanilang Pangitain, at kanilang kaluluwa ay tuyo nang mabuti. Sa katapusan, nagiging panatag na sila sa kanilang kasalanan.

    Sabi na Banal na Kasulatan, dito kung saan ang binhi ng "okult" ay naguumpisang tumubo. Sa mata ng Dios, ang pagsuway at hindi siya pagtiwalaan ay kasing halalaga ng kasalanan sa panghuhula. Na sinasabi ni Samuel kay Saul sa ganitong tanawin: :Ang panghihimagsik ay katulad ng panghuhula at ang katigasan ng ulo ay katulad ng pagsamba sa diosdiosan" (15:23).

  5. Kapag Nawala na ang Pangitain at ang Kaluluwa ay Natuyo na, Wala ng Panglaban pa sa Espiritu ng Pagkaingit.

"Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at siang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagagag sa kaniya" (1Samuel 16:14). Hindi mismo nagpadala an gDios ng masamang espiritu kay Saul. Pinayagan lamang niya ang hindi maiiwasan na mangyari. Nakita mo, kapag ang taong nawala na paniniwala ay dumating na sa puntong ito — naging legalista na, nawalan na ng pangitain at natuyo na ang kaluluwa — wala na siyang panglaban sa mapanghimasok na espiritu ng pagseselos at pagkaingit. At itong magkakambal na espiritung ito ang nananakot sa bawat kaluluwa na pasukan nito.

Sa panahong ito, nagkaroon na si Saul ng malademonyong sakit, na halos dumadaluhong sa kahit na sino. Ang mga tauhan niya ay lubhang natakot, tinawag nila si David para tumugtug ng harp at umawit ng Mga Awit kay Saul, para lamang mapayapa ang espiritu niya. Siyempre, si David ang taong nagtitiwala sa Panginoon ng buong buo — ang kanyang makalangit na tugtugin ay nagdala ng kapayapaan sa kaluluwa ni Saul.

Naging mapagpasalamat ang hair, ginawa niyang capitan ng mga sundalo si David. Nguni’t noong nagpakita si David ng tapang at katalinuhan sa labanan, nagkaroon ng inggit at pagseselos si Saul na parang sira ang ulo. Ang pagseselos ay nagbubunga sa mga mananampalataya upang maging masamang nilikha. Kahit na sinong hindi nagtitiwala sa Dios, ay hindi magtitiwala sa iba. At ang naiingit na tao ay nagbibintang sa iba ng kasalanan na sila mismo ay siyang gumagawa. Sila ay naniniwalang ang iba ay naiingit sa kanila, madalas na pinaguusapan sila, at patuloy na sinisira sila. Ang pagkaingit ay hindi lamang panahon na dinaranas ng mga tao — ito ay espiritu mula sa impeyerno. Ito ay nagnanakaw sa makadios na tao ng lahat ng makalangit na layunin ng Dios. At ito ay nagbubunga na sila ay magtuon ng pansin sa sarili nilang maliit, makalamang labalan.

Nagtataka ba kayo kung saan ang iyong pagkaingit na espiritu nagmumula? Minumungkahi kong bumalik kayo sa panahon na kayo ay sinusubok, at tanungin ninyo paano kayo kumilos noon. Nagtalaga ba kayo na magtitiwala kayo sa Dios, kahit na ano pa ang mangyari? O kaya ay nagiisip kayo na ang Dios ay hindi dumating sa takdang panahon para sa iyo?

Isaalang-alang ninyo ang masamang katapusan ni Saul dahil sa hindi niya paninilawa. Ang huli niyang nilapitan bago siya pumaroon sa walang hangan ay ang mangangaway. Makinig kayo sa kanyang panghuling salita: "at ang Dios ay humiwalay na sa akin, at hindi na ako sinasago" (28:15).

Nguni’t mayroon ring mabuting balita sa bawa’t mananampalataya sa ngayong Bagong Pakikipagkasundong panahon. Nagbayad na si Cristo ng halaga para sa ating paghihimagsik. (Siyempre, ang awa ng Dios at pagpapatawad ay bukas rin kay Saul. Nguni’t ang puso niya nanatiling matigas — at ang matigas na puso ay hindi naghahangad na awa.)

Dumating si Jesus para sirain ang sumpa ng pangagaway at panghuhula ng hindi paniniwala — para sirain ang kadena ng pagiging legalista at iligtas tayo sa pagkakagapos. Nguni’t una dapat nating aminin ang ating mga kasalanan. Dapat nating aminin ang ating hindi paniniwala — at pagkatapos ilagay ang ating bukas, kalayaan at kaligtasan buong-buo sa pagiingat ni Jesus. Darating siya sa takdang panahon. Ang ating gagawin ay ang hindi pangawa ng anoman — kundi magtiwala sa kanya.

Dapat nating alaming tayo ay sinusubukan. At tinitiyak ng Dios sa atin na lahat na tumangan sa pananampalataya at paniniwala sa kanya, kahit na gaano pa parang kawalang pagasa ang kalagayan, ay pararangalan. "Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo" (1 Pedro 17).

---
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, Texas 75771, USA.

Times Square Church Information | New Reader Information


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:
This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 2000 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 2000 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated June 16, 2002.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study
Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series