Click here to go to World Challenge Pulpit Series

multilingual site

Mga Hadlang sa Pagtagumpay ng Panalangin
(Hindrances to Prevailing Prayer)


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

By David Wilkerson
November 27, 2000
__________

Sa buong Biblia, ang mga tao ng Dios ay inutusan na manalangin sa lahat ng sandali. Dapat tayong manalangin kapag tayo ay nasa itaas at kapag tayo ay nasa ibaba, sa mabuting panahon o sa masama. At dapat tayong manalangin sa lahat ng panahon — panahon ng katuwaan at kagalingan ng pangangatawan, ganoon rin sa karamdaman or kalungkutan; panahon ng pamamahinga at kasaganaan, ganoo. rin sa paghihinagpis. Ano man ang ating sitwasyon or kalagayan, tayo ay mananalangin ng walang pag-hinto.

Naniniwala ako na bawa’t Kristiano ay nais manalangin. Nguni’t, siyempre, hindi lahat tayo ay kumikilos sangayon sa ating kagustuhan. Kahit na yaong matatanda na sa pananampalataya ay nagkukulang pa rin sa pananalangin. Kapag sila ay nagugul ng panahon sa pananampalataya, sila ay nahihirapan at napapagod, at mabilis silang nawawalan ng interes.

Noong tinanong ko ang aking mga kaibigan bakit nila natatagpuang mahirap ang manalangin, karamihan sa kanila ay nagkikibit lamang ng balikat. Ang pagmamahal nila kay Jesus ay totoo, at mayroon silang matinding pagnanasa para manalangin. Nguni’t sila ay nahihiwagaan kung bakit hindi sila masigasig sa panalangin.

Pagkatapos ng maraming panalangin at pagaaral ng Salita ng Dios, ako ay naniniwala na ang Panginoon ay nagbigay na rin ng liwanag sa usaping ito. Narito ang limang pangkaraniwang hadlang sa pagtatagumpay ng panalangin:

  1. Ang Iba ay Nahihirapang Maniwala na ang Kanilang Panalangin ay Nataggap.
  2. Kahit na sila ay nakarinig na ng katuruan patungkol sa awa na pinangangaral na sa maraming taon, ang ibang Kristiano ay nagkukulang pa rin ng pagtitiwala na sila ay natanggap nga sa harapan ng Panginoon. Walang nakapagpapahina sa kagustuhang manalangin na mahigit pa dito. Hindi mo mapaniwalaang ang iyong mga panalangin ay natanggap malibang naniniwala kang ikaw ay natanggap. At hanggang matanggap mo ito — hanggang naniniwala kang totoo na maari kang pumaroon sa trono ng Dios na katangap-tangap — hindi mo kailanman mararanasan ang pagtatagumpay sa panalangin.

    Si Apostol Pablo ay nagsabi na inampon tayo ng Dios dahil mahal niya tayo: "Na tayo’y itinalaga niya nang una pa man sa pagkupkup na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minamagaling ng kanyang kalooban. Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kanyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal: (Efeso 1:5-6). Inampon ka ng Panginoon ng walang kadahilanan maliban sa masidhing pag-ibig sa iyo.

    Masasabi mo, "alam kong ang salita ng Diyos ay nagsasabing ako nga ay tinanggap na. At alam kong si Jesus ay nagbigay ng tahasang daan sa luklukan ng kanyang awa. Nguni’t ako ay lubhang nahihiya na lumapit. Ako ay nahihirapan pa sa kapangyarihan ng mga tukso. At ako ay nagkakasala pa rin paminsan-minsan. Hindi ko pa nakukuha ang buong katagumpayan. Kaya’t ang panalangin lamang na aking masasambit ay "Dios, tulungan mo po ako."

    Tatanungin kita ng payak na katanungan: Mahal mo ba si Jesus? Anak ka ba niya, at siya ba ang pinakamataas na seserdote na nanalangin para sa iyo? At pagkatapos nito, sangayon sa mga katuruan, bali wala ang kung ano man ang nagawa- mayroon kang karapatang para pumasok sa presensiya Niya, para matagpuan ang lahat ng kahabagan at awa mong kailangan. Sa katotohanan, iyon nga ang panahon na tinutupad niya ang gawain niya bilang pinakamataas na seserdote:

    Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang seserdoting hindi maaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon may walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at magasumpung ng biyaya upang tumulung sa atin sa panahon ng pangangailangan. (Mga Hebreo 4:15-16).

    Sinasabi ni Cristo sa atin, "Oo maari kong malaman ang bawa’t kaisipan mo, mabuti man o masama. Nakikita ko ang bawa’t lihim mong ambisyon, bawa’t lihim na pag-nanasa at mga gawa. Nguni’t ganoon pa man, inaanyayahan kita na pumaritong hayag sa aking kaharian. Nais kong ibigay lahat sa iyo ang awa at kahabagan na kailangan mong malubha."

    Subali’t madalas, ang mga Kristiano ay hindi tumutugon sa pag-aanyaya na ito ng Panginoon. Sa halip, kapag nagbibigay na sila sa tukso ng kasalanan, sila ay tumatakbong papalayo mula sa Dios. Sila ay nangangatuwiran, Paano ako matatanggap ng Panginon, samantalang naibagsak ko na siya ng maraming beses sa pareho ring usapin? "Hindi na ako maaring pumaroon sa kanya patungkol dito. Naging mahabagin siya sa akin na napakaraming beses sa nakaraan. Palagay ko’y hindi na siya tatayo para dito sa ngayon".

    Hindi pa natatagalan na ang isang bigong asawang lalake ay sumulat sa akin: "ako ayna-addict sa malaswang panoorin. Hindi ko alam paano nangyari iyon- ako ay sumabit ng napakasama. Ako ay naghihinagpis sa kasalanang ito, itinatakwil ko na ang sarili ko. Ipanagtapat ko ito sa asawa ko at sa Panginoon. At alam kong mahal ko parin si Jesus ng buong puso. Nguni’t parang hindi ako makawala. Nag-alinlangan ako na lumapit sa kanya dahil sa kasalanang ito, dahil dapat siyang magalit sa akin. Sabihin mo sa akin, kapatid na David- mapapatawad ba ako ng Dios?

    Ang taong ito ay nagmamahal sa Panginoon na tapat. Nguni’t siya ay may sakit at matinding pangangailangan ng mangagamot. OO, siya ay nagkasala laban sa liwanag ng ibinigay sa kanya. Nguni’t ang katotohanan ay nanatili- pumarito si Jesus upang maging mangagamot sa mga may sakit, mga may karamdaman, mga sinasaniban ng demonyo, mga nasa bilanguan, kasama na ang bilanguan ng mga kalaswaan. Si Cristo ay siya pa ring pinakamataas na seserdote para sa kanila.

    Nguni’t itong nagkakasalang mananampalatayang ito ay nagsasabi, sa maraming mga salita, ang mga kasalanan ko ay nagpaalis sa akin sa silid na kinarorounan ng truno niya". Sasabihin ko sa kanya, "Tumakbo ka sa lihim na taguan mo, at ibuhos mo ang iyong puso sa harapan ng kanyang habag. Hilingin mo ang lahat ay awa kay Jesus na para sa iyo. At pagkatapos na matanggap mo ang kanyang pag-ibig, ipako mo ang iyong mga sala sa kapangyarihan na ibinibigay ng Banal na Espiritu".

    Ang ibang Kristiano ay nag-iisip na ang kanilang panalangin ay hindi natatangap dahil sila ay nagpabayang manalangin sa mahabang panahon. Sa loob ng mga buwan o kaya ay mga taon na. Ang Espiritu ng Dios ay nagmumungkahi sa kanila na pumaroon sa lihiim na silid — pinagsabihan sila sa pamamagitan ng hindi na mabilang na mga sermon at ng nag-aalab na diwa. Nguni’t patuloy, ang mga taong ito ay nagbuo ng pinagmumulan ng kasalanan. Nalaman nilang manalangin, nguni’t hindi nila ito ginagawa.

    Ito ang ipinaglalaban ng mananampalatayang asawang lalake na kailanman ay hindi nagsisimba na kasama ang asawang babae. Sa bawa’t anyayahan siya, sinasabi niyang, "pakirandaman ko ako ay ipokreto dahil hindi kailanman ako sumama." Hanggang minsan siya ay nagbigay at sumama sa asawang babae at siya ay naligtas.

    Sa ilalim ng pagpaparamdam ng Banal na Espiritu, minsan akong nagpadala ng malaking halaga na regalo sa taong gumawa sa akin ng malaking pinsala. Anim na buwan ang nagdaan, na walang pagkilala sa pinadala kong regalo. Siyempre hindi naman ako naghahanap ng pasasalamat — sinunod ko lamang ang utos ng Dios na mahalin at pagpalain ang lalake. Hangang sa may sulat na dumating. Nagpaliwanag ang lalake, "Hindi kita sinagod kaagad dahil sa palaga’y ko’y wala akong salita para pasalamatan ka. Hindi ko akalaing magagawa mo ang bagay na iyon, pagkatapos ng panahong ito. Natagalan ako para tumayo at lakas na magsabi ng salamat.

    Maraming Kristianong katulad ng lalakeng ito. Hindi nila mapaniwalaan na nagpapatawad ang Dios pagmamahal at pag-iingat sa kanila pagkatapos ng lahat na panahon na kinaligtaan nila siya. Kaya’t hindi na lamang sila pumaroon sa kaniya. Nguni’t kung maari kong patawarin at pagpalain ang isang tao na sinaktan at binayaan ako, gaano pa kaya ang Panginoon na patatawarin at pagpapalain ang mga tao niya? Sinabi ng Dios kay Jeremias, "gayon ma’y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang". Nguni’t manunumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon… (Jeremias 3:1-7). Kahit na gaano na ating kaligtaan ang Panginoon sa panalangin.

  3. Ang Iba ay Nakakaramdam ng Pagkakasala Kapag Nanalangin Lamang Sila Kung may Kaguluhan.

 

Kapag ang ibang Kristiano ay natatamaan ng problema, sila ay nanalangin na para bang ang bahay ay nasusunog. Nguni’t sa pagitan ng kanilang krisis, sila ay madalang na manalangin. Sa isip nila, "Totoo nanalangin ako ng malakas sa Dios kapag ang isa sa mga anak ko ay naaksidente. Ako ay matinding nanalangin kapag ang mahal ko sa buhay ay nasa malubhang karamdaman. Ako ay nanalangin lamang kapag ako ay nasa dulo ng pisi ko.

Mga minamahal, hindi ko kayo hinuhusgahan, dahil hindi ganoon sa Biblia. Ang sabi ng banal na kasulatan:

Bakit ang Dios ay tumutugon sa atin na napakamaawain kapag tayo ay tayo ay umiiyak sa kanya sa krisis, kahit na maaring hindi natin siya hinahanap kung minsan? Ginagawa niya it sa isang dahilan: nais niyang bumalik tayo sa kanya pagkatapos na may pagpapasalamat. "Nang magkagayo’y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kahabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan…..na anopa’t ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik…Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang loob, at dahil sa kaniyang kagigilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! (107:28-31)

Naniniwala akong ang Dios ay nagsasabi sa atin, " gagawin ko ang lahat para lamang makiisa sa iyo. Kaya’t kung iyon ay nangangahulugan na gagamutin at pagpapalain ka sa panahon ng krisis para dalahin ka sa lihim na silid, gagawin ko iyon."

May mga panahon na pumapasok ako sa silid na panalanginan ko na nasa problema ako, nasa pagsubok, at nalilito. Sa mga panahong iyon, ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa Dios. Hindi ko kinailangan ang ang isang tao para magsulat ng panalangin para sa akin at basahin ko ito sa panahong iyon. Ang totoo, hindi ako pumaparoon sa lihim na silid na may dalang babasahin para manalangin. Hindi ako nagtago ng listahan para paalalahanan ako kung paano manalangin. Hindi ako naniniwala na ang Banal na Espiritu ay tumutugon sa mga panalanging gawa na. Sa halip, ang nais ng Dios na panalangin na nagmumulla sa ating mga puso.

Isipin ninyo ito- kapag nais kung sawayin ang asawa kong babae, Gwen, hindi ako magsasaulo ng mga sinulat ni Shakespear para sabihin sa kanya. Hindi na ako iyon, at alam niya iyon. Sa halip, sasabihin kong, " Hoy, mahal — Mahal kita." Iyon ay isang payak na pangungusap — dahil iyon ay galing sa puso ko. At ang nais ng Dios ay ganoong uri ng kapayak na panalangin para sa mga tao niya. Sa kanya, ang pinakamataas na anyo ng panalangin ay ang pasasalamat para sa kanyang kabutihan, na ipinababatid mula sa mapagpasalamat na puso.

  1. Ang Iba ay Nagkakamali na Manilawalang ang Panalangin ay Dapat na Malakas, Malungkot at Nakapapagod.

Tayo ay nagkakamaling isipin na ang ating panalangin ay hindi magtatagumpay sa Dios kung tayo ay hindi nakikipagbaka sa kanya na katulad ni Jacob, nanalanging malakas tatlong beses isang araw na katulad ni Daniel, o kaya ay pagod na pagod tayo sa pagkikipagbaka sa panalangin. Siyempre, may mga panahong na ang ganitong panalangin ay nararapat. Nguni’t dapat nating alisin sa ating isip ang kaisipang ang Dios ay hindi nakikinig sa tin kapag tayo ay hindi nagtataas ng boses habang tayo ay nanalangin.

Itong kamaliang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mahiyaing, malumanay na mangusap na bagong Kristiano ay hindi nakapagpapalago ng ugali para manalangin. Naririnig nila ang mga magugulang ng Kristiano na nanalangin ng may maapoy na panalangin, naghihinagpis, nangungusap na makakamtan ang langit sa pamamagitan ng lakas — at sila ay naiilang. Naiisip nilang, "Hindi ako makapapanalangin na katulad nila. Nahihiya akong manalangin sa maraming tao. Sana hindi ako mataway para manalangin sa simbahan."

Habang si Gwen at ako ay nauupo sa hapag kainan na kasama ang ilang magasawahang Kristiano nitong kamakailan lamang, tinatong ko ang isa sa mga asawang lalake na manalangin para sa pagkain. Mabilis siyang bumulong sa akin, " Puwede ba Pastor, sa iba na lang kayo humiling." Alam kong itong taong ito mapanalanginin. Nguni’t siya ay lubhang nahihiya na manalangin sa harapan ng aming pagkain.

Naniniwala ako ng ang Dios ay nakakaunawa. Siyempre, may panahon na para manalangin ng malakas — umiyak ay maghinagpis, umiyak ng matindi, itaas natin ang ating tinig at huwag bigyan ang Dios pahinga hanggang hindi siya sumasagot. Si Jesus ay nanalangin ng may malakas ng tinig noong siya ay nasa harden.

Nguni’t maari nating gawin ang lahat ng ito ng walang anomang ingay. Ang ating panalangin ay maaring maapoy, malakas at may katugunan na hindi kailangang magtaas ng tinig. Ganito ang nangyari kay Ana, na nanalangin ng napakatindi para sa anak niyang lalake:

"At siya’y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwan, at tumangis na mainam" (1 Samuel 1:10). "Si Ana nga’y nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, nguni’ ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kaya’t inakala ni Eli na siya’y lasing" (1:13).

Pinagbintangan ni Eli na si Ana ay lasing. Nguni’t ang makadiyos na babaeng ito ay sumagot: "Hindi, panginoon ko, ako’y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon" (1:15).

Habang ibinubohus ni Ana ang kaluluwa niya sa harapan ng Dios, hindi siya nangusap ng anomang salita. Nguni’t ang malalim na pananalangin niya ay nagpakilos ng langit. At pinagpala ng Panginoon ang mapanalangining babaeng ito ng anak na lalake- ang propetang Samuel, na naging makadios na tinig sa Israel.

Katulad ni Ana, may mga pagkakataong tayo ay nagiging mahina, nangangatog o nalilito para itaas ang ating tinig sa Dios. May mga beses, ang magagawa lamang natin ay umiyak sa harapan niya. Nangagaling sa lugar na iyon. Madalas akong nagagaling sa aking lihim na silid pagod at pagal, nalulumbay at nalulungkot, hindi malaman ang gagawin, wala akong maiibibigay sa Panginoon. Ang aking lamang magagawa ay maupo sa presencia niya at sabihing, "Maari ba Dios — tanganan mo ako. Kailangan kita."

Ipinahayag ni David ang ganitong karanasan sa Mga Awit 6:

Sa pinakahuli, nagbigay ang Dios kay David ng pahiwatig. Nagbigay ito sa kanya ng sigla, bumangon siya ay inutusan niya ang mga demonyong kaaway na lumayas: "Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na mangagawa ng kasamaan: sapagka’t nariig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis" (6:8).

Paano ni David natanggap ang ganitong pahiwatig sa Dios? Dumating iyon dahil narinig ng Dios ang kanyang pagiyak: "Narinig ng Panginoon ang kaing pananaing: tatangaping Panginoon ang aking dalangin" (6:9). Ang bawa’t luha ni David ay panalangin, ang bawa’t pagdaing niya ay tinig na pataas sa kaitaasan. At ang ating Panginoon ay tapat para dinggin ang mga pag-iyak ng mga tumatawag sa kanya.

  1. Ang Iba ay Pinibigyan Diin ang Pananalangin sa Isip Lamang at Iniiwasan ang Pananalangin ng Malakas.
  2. Nakita na natin ang kagalingan ng tahimik na pananalangin, mga panalangin na nasa loob lamang. May katotohanan, noong si Apostol Pablo ay nagsabi ng "manalangin ng walang paghinto," ako ay naniniwala na ang ibig sabihin niya ay panalangin sa isip lamang — ang uri ng panalangin na maiaalay natin kapag tayo ay nasa ating sasakyan, nasa mga bus, naglilinis ng tahanan, naghahalaman, o kaya ay nakaupo sa pagtitipon sa pangangalakal. (Ako ay nanalangin ng patuloy sa mga panahon ng paguusap-usap ng tungkol sa pangkalakalan ng simbahan natin, kasama ang mga taga-gawa ng gusali, mga abogAko ng lungsod ng New York.)

    Nnguni’t ang panalangin sa isip lamang ay hindi sapat sa ating mga buhay. Kung ang tahimik na pananalangin ay ang siya lamang uri ng panalangin na maibibigay sa Panginoon, hindi tayo magkakaroon ng katagumpayan laban sa mga kasalanan. At hindi natin matatamo ay kasiyahan ng malalim na pakikipagisa na maaring makuha natin kay Jesus. Sinabihan tayo ni Cristo, "Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay manalangin, pumasok ka sa iyong silid,…..at…manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim" (Mateo 6:6).

    Nakatangap ako ng pagpapalang kaginhawaan kapag ako ay umiiyak sa pananalangin sa Panginoon. Kung minsan pumaparoon pa ako sa labas ng lungsod, lumalabas sa aking sasakyan ay lumalakad-lakad itinataas ko ang aking sa langit habang ako ay tumatawag sa Dios. Iniiyak ko aking mga sakit at kabiguan hangang maramdaman kong nagtagumpay na nga ako aking pagsubok.

    Naniniwala akong si David ay gumawa rin ng ganitong uri ng panalangin na malakas. Sinulat niya sa Mga Awit 3:

    • "Panginoon, ano’t ang aking mga kaaway ay nagsisidami! (3:1). Nakita ni David na ang kanyang mga kaaway ay nagsisidami sa paligid niya.
      • "Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios" (3:2). Nawala na ng pagasa ang mga tao para kay David, at nagsasabi sila na wala ng makatutulong sa kanya.
      • "Ako’y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok" (3:4). Sa kahulihan, umiyak si David sa Panginoon para sa tulong. Ano ang naging bunga ng pagiyak niya? "Ako’y nahiga, at natulog; ako’y nagising; sapagka’t inaalalayan ako ng Panginoon" (3:5). Nakatanggap si David ng kapayapaan mula sa malakas na pagiyak niya sa Panginoon. Siya ay nagpapatotoo, "Ako’y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot" (3:6).

    1. Ang Matagumpay ng Panalangin ay Imposible Kung Walang Tulong Mula sa Banal na Espiritu.

    Walang sinoman ang natural at ibig na parating manalangin. At walang maaaring manalangin na matagumpay sa sarili lamang niyang kagustuhan. Ang palagiang pananalangin ay hindi maaring makamtan sa pamamagitan ng makataong kagustuhan lamang.

    Ang kagustuhan at kakayahan na manalangin ay nagmumula sa pakikipagisa ng Banal na Espiritu. Kung wala ang kanyang pagtulong, hindi tayo maaring makapanalangin — dahil hindi natin ito alam kung paano. Sinulat ni Apostol Pablo, "At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ting kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu ring ang namamagitan dahil sa tin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita" (Mga Taga Roma 8:26).

    Ang Banal na Espiritu rin ang nagpapanatili sa ating panalangin na nakatuon kay Jesus. Habang tayo ay nanalangin, siya ay makapangyarihang nagbubukas sa atin ng pangunawa ng mga salita ni Cristo, ganoon rin sa ibang pang sinasabi ng banal na salita. Sa kabaliktaran, napakadelikAkong manalangin na ang mga isip natin ay nakahinto. Nguni’t, nakakagulat, maraming mga Kristiano ay gumagawa nito. Sila ay naniniwala na kung hahayaan nilang ang isip nila ay blangko lamang sa panahon ng pananalangin, ano mang tinig ang marinig nila as mula sa Dios. Mga minamahal, ito kung paano ang panloloko ay papasok.

    Sumusulat ang mga Kristiano sa ating gawain na nagsasabing sila ay isa sa dalawang "nagpapatotoo" nabangit sa mga Aklat ng Apocalipsis. Paano sila nakarating sa ganoong kaalaman? Sinasabi nia, "Ang tinig ay nagsabi sa akin habang ako ay nananangin."

    Nguni’t mayroong isang panloloko na higit sa lahat ng mga naisulat sa amin. Ang tinig ay nagsabi sa kanila, "Makatanggap ka ng malaking halaga ng salapi, at maitutuon mo na ng buo ang sarili mo sa gawain ng Dios. Pagkatapos mahihikayat mo ang mga pinunu at mga bansa sa Panginoon." Ang ibang Kristiano ay nabubuhay sa panlolokong ito sa mahabang panahon na. Paano nila natangap ang ganoong kapahayagan? Sinasabi nila, "Ako ay nanalangin, inalisan ko ng laman ang isip ko, ay nagantay ako sa Dios para mangusap."

    Sa bawa’t tayo ay pupunta sa panalangin, dapat nating italaga ang ating mga kaisipan sa salita ng Dios: "at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo" ( II Mga Taga Corinto 10:5). Dapat nating ituon ang ating mga kaisipan sa salita ng Dios, hanapin natin ang kanyang mukha, at pagtiwalaan ang Banal na Espiritu para makapangyarihang samahan tayo.

    Napakalubhang malulungkot natin ang Espiritu ng Dios kung makikita niya ang napakaraming bulag na matiyagang nanalangin, habang ang mga Kristiano ay patuloy na pinababayaan ang lihim na silid ng pananalangin. Pagisipan ninyo ito:

    • Ang mga Muslims sa bilang ng milyon-milyon ay lumuluhod at nanalangin para sa Mecca tatlo hanggang limang beses sa isang araw. Saan man sila naroroon, naglalatag sila ng kumot at nanalangin sila, hindi nila iniisip ang sasabihin ng iba.
    • Mga Judeo sa buong mundo ay nanalangin — sa mga eroplano, sa buses, sa mga pamilihang lugar — hindi inaalintana ang iniisip ng iba.
    • Mga Katoliko sa buong mundo nanalangin na may mga rosaryo, nagsasabi ng mga Aba Ginoong Maria at Ama Namin, nagsisindi ng kandila para sa mga patay — hindi inaalintana ang iisipin ng iba.
    • Buddhist monks ay nanalangin na walang paghinto, patuloy na iniikot ang gulong ng panalangin. Hare Krishnas nanalangin na may pagawit sa loob ng mga oras, hanggan sila bumagsak na sa kapaguran. Mga Pagano ay gumigising ng maaga ay natutulog ng napakagabi na, nanalangin, umaawit na may panalangin, nagtutog ng kampana — sa mga gilid ng kalsada, sa harapan ng mga tindahan, sa mga templo at mga mosques. Sa kabilang kalsada mula sa aming gusali sa lungsod ng New York, nakita ko ang isang taga silangang reliheyosong guru naglalakad-lakad sa kanyang tahanan tuwing gabi, nanalangin habang umaawit para sa kanyang dios sa loob ng isang oras o dalawa.

    Nguni’t ang isang totoong Dios — ang siya lamang makasasagot ng panalangin- ay nanatiling napapabayaan. Habang ang mga hindi mananampalataya na nasa mundo ay nanalangin sa kanilang mga dios at idolo, ang mga evangelical na Kristiano naman ay nanatiling casual lamang sa panalangin. Hindi tayo madalas na tumatawag sa ating Panginoon, o kaya ay magugul ng panahon sa kanya. Nguni’t inialay niya mismong Espiritu niya para turuan tayong manalangin, para na rin ating pagpapala at kabutihan.

    Tatanungin kita — nagnanais ka ba ng buhay na may tuloy tuloy na pananalangin? Kung ganoon, hilingin mo sa Banal na Espiritu na tuturan ka. Nakatira siya sa iyo, dahil siya ay ibinuhos sa lahat ng mananampalataya. Ibigay mo ang sarili mo sa dereksyon niya.

    Maglalagay siya ng espiritu ng pasasalamat sa puso mo. At maglalagay siya ng pagnanais sa iyo para manalangin. Maari abala ka sa isang bagay sa araw na, hindi mo inaasahan, ang pagtawag ay darating para ikaw ay manalangin. Habang ikaw ay tumugon sa ganitong pagtawag, matatagpuan mo ang iyong dila ay nakalaya na- at ang ilog ng makadios na panalangin ay aagos mula sa iyong kaluluwa.


 

------------------------------------------------
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, Texas 75771, USA.

Times Square Church Information | New Reader Information


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:
This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 2000 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 2000 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated April 5, 2000.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study
Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series